Kabarangay, hangad mo bang manalo ng 1M pesos?
March 10 2016
Ano gagawin mo kapag nanalo ka ng P1 million Pesos?
Para sa ‘Sikat sa Barangay’ host na si Mama Belle, hindi biro ang manalo ng limpak-limpak na salapi, kaya dapat maging wais sa paggastos ng inyong napanalunan.
Paliwanag ng veteran DJ/host, “Kasi sa panahon ngayon 'di ba ang hirap na ng buhay, so lahat dapat especially pag financially na ganyan dapat pag-isipan mo talaga 'yan eh, planuhin mo. So mapapayo ko diyan, kasi siguro every single centavo niyan alam mo kung saan mapupunta. Siguraduhin mo na kung saan mo man gagastusin 'yan eh doon sa may katuturan.”
Nagbigay din ng payo ang magaling na disk jock kung paano dapat gastusin ang premyo kung isa kang estudyante at magulang.
Kung ikaw ay isang estudyante, maglaan din ng pera para sa tuition mo. “Kailangan mag-set aside ka para doon sa tuition mo or mga gagamitin mo sa future mo.”
Isipin din daw ng mga magulang na makakatulong sa future ng family kung magtatabi ng ilang bahagi ng inyong P1 Million pesos.
“Kung ikaw ay parent, siyempre isipin din ‘yung future din ng family, especially kung may mga anak din 'di ba?”
Hindi din daw dapat maging padalos-dalos ang mga single guys at girls kung sakaling manalo ng ganito kalaking pera.
Ani ni Mama Belle, “Kung ikaw ay single kagaya ko [laughs]. Pag single na ganyan, planuhin pa rin, kasi mahirap kasi maglustay-lustay ka lang ng ganun eh di ba. Oo iba ‘yung pinaghirapan mo, kasi I’m sure pag pinaghirapan mo ‘yan sa trabaho mo, alam mo every centavos din niyan ay mahalaga. Kung 'yan napanalunan mo, pinahirapan mo din naman 'yan 'di ba?”
Kabarangay, hangad niyo bang manalo ng P1 Million pesos?
Aba tumutok na sa paborito niyong FM Radio station, Barangay LS 97.1 dahil magbabalik na ang promo na maaring makapagbago ng inyong mga buhay mga Kapuso.
Magbabalik na on its 5th year ang ‘Pera Sorpresa.’ Kaya sali na, malay mo ikaw na ang susunod na maging milyonaryo!
Comments
comments powered by Disqus