Kilig pa more!: Memorable love story of Papa Dudut in 'Barangay Love Stories' | GMANetwork.com - Radio - Articles

Ayon kay Papa Dudut mas lalo ninyong mamahalin ang mga kuwentong itatampok sa number one radio program ng Barangay LSFM 97.1

Kilig pa more!: Memorable love story of Papa Dudut in 'Barangay Love Stories'

By AEDRIANNE ACAR   

 Photo courtesy of facebook.com/PapaDudutLSManila 
                  
Marami nang na-feature na inspiring love stories ang DJ at book author na si Papa Dudut sa hit radio program niya na 'Barangay Love Stories.'
 
Ano ang bagong sorpresang handog ng Barangay LS?
 
Nationwide invasion of 'Barangay Love Stories'
 
Papa Dudut at Papa Marky umariba kasama ang cast ng 'Marimar' sa Pampanga!
 
Sa katunayan may isa siyang istorya na pumukaw sa kanyang damdamin na isinama niya sa kanyang libro na ‘Dear Papa Dudut’ na compilation ng best-of-the-best stories na na-feature sa kanyang programa sa radyo.
 
Ito ay ang kuwento ng isang magandang babae na si Yuki na dinapuan ng sakit na Psoriasis.
 
Kuwento ni Papa Dudut, "Si Yuki is very beautiful, maganda siya, sopistikada, and because of that beauty naging advantage niya 'yun pagdating sa pamumuhay niya. Siyempre kapag maganda ka walang puwedeng mang-api sa 'yo."
 
Dagdag pa ng 'Love Hotline' star, naging bitter daw si Yuki sa buhay dala ng pagiging produkto ng isang broken family.
 
Sa kuwento, naging masama siya at naging mapang-api daw siya. Hanggang sa isang iglap, binawi ang bigay sa kanyang kagandahan ng tinamaan siya ng kundisyon sa balat na tinatawag ay Psoriasis.
 
Patuloy ni Papa Dudut, nabago ang lahat sa buhay ni Yuki matapos ma-meet niya ang kanyang Prince Charming na tumulong sa kanya para mapagtagumpayan ang sakit at mahanap ang kanyang true love.
 
"Mayroon siyang dating parang nerd na kaklase na crush siya nung maganda pa siya. Hindi niya pinapansin, inaapi niya. Alam mo biglang nag-twist bigla, pinagtagpo sila doon sa panahon na nangangailangan siya ng tulong. Eh doktor, dermatologist pa. So parang tadhana na tinulungan siya nung doktor naging sila pa at the end of the story. Alam mo nawalan siya ng pag-asa."
 
"Sabi nga nila kapag nawawalan ka ng pag-asa, don’t worry may darating na tulong galing kay God at pinadala sa kanya ‘yung kanyang Prince Charming."
 
Mga Kabarangay simula ngayong October tutukan ang mas pinalawak at mas pinagandang 'Barangay Love Stories' na mapapakinggan na nationwide, tuwing Linggo ng hapon, 12:00 nn to 3:00 p.m.
 
Ayon kay Papa Dudut mas lalo ninyong mamahalin ang mga kuwentong itatampok sa number one radio program ng Barangay LSFM 97.1
 
Saad niya, “Luzon, Visayas, Mindanao, maraming-maraming salamat sa pagtitiwala sa Barangay 'Love Stories.' We started doing drama September 2009 and one year after lahat ng radio stations naging radio drama na rin.”
 
“Kaya ako naniniwala ako na pagbubutihin pa namin 'to, para mas lalong maging number one, not only in Mega Manila but also nationwide. So, salamat sa suporta at makinig sila lagi ng 'Barangay Love Stories' and 'Radyo Nobela.'"