Relive the 90s with OPM band The Mike Bon Gang | GMANetwork.com - Radio - Articles

LSS na ba kayo sa theme song ng bagong afternoon Koreanovela na ‘Reply 1997?’ 

Relive the 90s with OPM band The Mike Bon Gang

By AEDRIANNE ACAR



LSS (Last Song Syndrome) na ba kayo sa theme song ng bagong afternoon Koreanovela na ‘Reply 1997,’ ang Umaasa Pa Rin Ako?

Kinanta ang naturang OPM song ng GMA Records band, ang The Mike Bon Gang na binubuo nila Mike Bon, Cholo Escaño at Jonathan Catacutan. 




READ: Bagong banda na 'The Mike Bon Gang,' mapapakinggan na sa 'Reply 1997' ngayong August 10

Sa exclusive interview ng GMA Network.com sa band vocalist na si Mike sa Sikat Sa Barangay, nilahad nito na hindi maipaliwanag ang nararamdaman nilang tuwa na mapili ‘yung kanilang single bilang theme song sa highly-anticipated Korean drama.

Kuwento ni Mike, “Yung excitement parang hindi ko talaga masukat kung gaano ‘yung saya. Eto ‘yung single na gustong-gusto namin talagang kantahin at tugtugin tapos nakuha pa siya ng isang Koreanovela, so hindi talaga maipaliwanag kung gaano kasaya, alam namin na sobrang laki nung break na ito sa amin.”

Sinulat ni Mike ang Umaasa Pa Rin Ako taong 2004 at second single na nila ito.

Nagulat din daw ang grupo sa magandng response ng mga Kapuso listeners sa kanta nila.

“Nung nakita naming ‘uy parang lahat halos nagagandahan sa song, unang pinasalamatan ko si Lord. Sabi ko, 'Lord salamat sobrang hindi ko aakalain na ganito,'” dagdag pa ni Mike.

Dahil set ang Reply 1997 noong 90s tinanong namin si Mike kung ano ang most memorable memories niya noong dekada na ‘yun?

Paliwanag ni Mike, “Noon ‘yung naalala ko nung ganung mga years, favorite ko kasi nun Spice Girls [laughs]. ‘Yung era na ‘yun sobrang galing ako sa rock, nung pagdumating 'yun parang wow iba, kakaiba ‘yung dating nila retro na aggressive ‘yung pagka-pop.”

Kapuso, grab a copy of The Mike Bon Gang’s self-titled album under GMA Records and catch the kilig-premiere of GMA-7's newest Koreanovela, Reply 1997 this August 10 before 24 Oras.