Book author na si Papa Dudut! | GMANetwork.com - Radio - Articles

Ka-level ng 'Dear Papa Dudut' ang 'Bakit Hindi Ka Crush ng Crush Mo?', 'Diary ng Panget,' at iba pang popular books. 

Book author na si Papa Dudut!

By AEDRIANNE ACAR 

PHOTO BY BOCHIC ESTRADA, GMANetwork.com
 
Level up na si Papa Dudut ng Barangay LS.

Bukod sa pagiging DJ at event host, inilabas niya ang kanyang first ever book last September 18, ang Dear Papa Dudut.

Proud daw siya dahil ang nag-publish ng libro niya ang siya ring gumawa ng Bakit Hindi Ka Crush ng Crush Mo?, Diary ng Panget, at iba pang popular books.

Regalo raw ni Papa Dudut ang kanyang libro sa loyal listeners sa Barangay Love Stories.  

Naengganyo raw si Papa Dudut dahil si Papa Dan ng Wanted Sweetheart ay may libro na rin. Ganoon din ang ibang DJs ng ibang FM stations.

“Oras na rin para mai-share mo naman sa mas maraming audience, sa listeners nyo na gustong magkaroon ng kopya na puwede nilang balik-balikan,” pangungumbinsi raw ng publishing company sa kanya.

Dagdag niya, ang Dear Papa Dudut daw ay compilation ng mga pinakapatok na mga kuwento sa Barangay Love Stories na nag-trend sa social media at minahal ng mga Kabarangay natin.

“So ang maganda nito ito ‘yung mga best of the best stories na nag-hit sa Facebook na ang daming nag-view sa Youtube pero ang hirap balikan. Parang kailangan mo siya pakinggan uli. Kung nasa taxi ka, nasa jeep, bus, nagko-commute or nasa loob ka ng class at wala pa si Mam/Sir, why not try reading my book?” aniya.

“You have four stories, tapos I have pictures also na mga never been seen,” dagdag niya, habang tumatawa.

May acknowledgements din daw siya sa mga taong dahilan ng kanyang propesyon. “Parang little [things] (ito) about myself at ‘yung kuwento rin, may mga illustration na,” sabi pa niya.

Gusto rin daw ng veteran radio personality na maengganyo ang mga Kabarangay natin na magbasa ng libro dahil marami rin daw silang matutuhan sa pagbabasa.

“Let’s encourage everybody to read kasi you will learn from other author kung ano nga ba ‘yung mga puwede mong i-apply sa buhay mo…So sana -ttry nyong buksan ‘yung mga pahina ng Dear Papa Dudut,” dagdag niya.