The best videoke songs of all time | GMANetwork.com - Radio - Articles

Handog ng Barangay LS ang mga kantang umaalingawngaw sa KTV bars at gilid-gilid ng kalsada. Pustahan, kinanta nyo na ang mga ito.

The best videoke songs of all time

By AEDRIANNE ACAR


 
Paboritong past time ng mga Pinoy ang mag-videoke.

Kumakanta sila kung masaya, malungkot, at dahil sa kung ano-ano pang rason.

Wala nang tatalo sa isang round (kung minsan, kulang pa) ng matinding kantahan kasama ang barkada.

Kaya handog namin ngayong linggo ang mga kantang madalas na umaalingawngaw sa family KTV bars at maging sa gilid-gilid na kanto – basta’t may nagkakasayahan.

For sure, mga Kabarangay, isa sa mga nasa playlist natin this week courtesy of Papa Obet ang anthem ng buhay niyo.

Umpisahan natin sa kantang Wherever You Will Go ng The Calling.

Madalas ginagaya ang husky and sultry voice ni Alex Band. Siguradong dagdag pogi points ang makukuha ng boys (bukod sa grade na 100) kung makakanta nyo ang single na ito with the same swagger.

Susunod, dapat handa kang ibuhos ang buo mong emosyon with Edwin McCain’s 1998 classic hit I’ll Be.

Bukod sa staple na ang song na ito every karaoke session, hindi maikakaila na isa ito sa most beautifully written songs of all time. For sure the South Carolina native will be best remembered for this love ballad.

After winning a talent search competition, Pop Rock Princess Yeng Constantino has made a mark in the Philippine music industry as one of the most sought after female singers.

At tulad din nina Heart Evangelista at Sen. Chiz Escudero, ikakasal na si Yeng sa kanyang boyfriend na si Victor Asuncion sa February.

Masarap maki-jam sa kanyang phenomenal hit na Hawak Kamay dahil malakas maka-emo ang kantang ito.

Narito ang ating Videoke Anthems playlist on Spotify courtesy of Papa Obet ng Barangay LS.
 
 


Watch out for our next playlists and do check out our winning lists on barangayls97.1 on Spotify.

Bakit walang My Way? Hehehe.

Sing away, mga Kabarangay.