May theme song din dapat ang mga bagong bayani | GMANetwork.com - Radio - Articles

Si Gloc-9 ang kakanta para sa karaniwang Pinoy, si Nora Aunor para sa OFWs, at ang American punk rock band na Rise Against ang magwawagayway ng bandila ng war veterans.

May theme song din dapat ang mga bagong bayani

By AEDRIANNE ACAR
 
Itinuro sa atin sa eskuwelahan na mga bayani ang nagbuwis ng buhay para ipagtanggol ang ating bansa sa mga mananakop.

Sa panahon ngayon, maituturing na mga bayani ang mga taong nagsasakripisyo ng kanilang mga pansariling kaligayahan para sa iba.

Ayon kay Papa Kiko, kahit MMDA enforcer ka o naglalaba, basta’t ikaw ang pinakamagaling sa trabaho mo, isa kang bayani. Dagdag pa niya, “Nakadagdag ka na sa society, naka-inspire ka pa ng ibang tao.”



Para sa mga magigiting nating Kabarangay na kumakayod at naglilingkod nang hindi inaalala ang sarili, may inihanda ang Barangay LS DJs na sina Mama Emma at Mama Belle na playlist bilang parangal sa inyo sa nalalapit na National Heroes’ Day.

Para sa overseas Filipino workers na nagsasakripisyo alang-alang sa pamilya at sa bansa, una sa ating playlist ang Kahit Konting Awa, ang theme song ng 1995 multi-awarded film na Flor Contemplacion na kinanta ni Superstar Nora Aunor.

Humakot ng parangal ang nasabing pelikula at nakapag-uwi pa ng Best Actress award mula sa Cairo International Film Festival si Nora.

Si Gloc-9 (Aristotle Pollisco sa totoong buhay) naman ang aawit para sa karaniwang tao.

Namayagpag sa radio stations noon ang kanta ni Gloc-9 na Sirena na tungkol sa pagmamalupit at diskriminasyon sa mga gay at transgender.

Pakinggan naman ngayon ang single niya na Talumpati featuring the former vocalist of the band Imago Aia de Leon.

Silipin nyo rin ang kanta ng American punk rock band na Rise Against na Hero of War.

With the husky voice of the band’s vocalist Tim Mcllrath, dapat ninyong mapanood ang music video ng banda na patungkol sa war veterans.

Listen to the rest of the Heroes playlist of barangayls97.1 on Spotify at abangan ang Mood Music themes sa mga susunod na linggo.



 

And remember, mga Kapuso, to remember the people who gave their lives for us, as well as those who work tirelessly in the service of others.

Lahat tayo ay bayani!