Physical Attraction = Love?
June 25 2014
BY AEDRIANNE ACARLove moves in mysterious ways.
At tiyak kapag ikaw ang tinamaan, siguradong gagawin mo ang lahat para sa iyong minamahal. Pero totoo ba na importante ang physical looks pagdating sa usapin ng pag-ibig.
Tinanong namin ang DWLS 97.1 radio jocks na sina Mama Cy at Papa Baldo kung naniniwala ba sila na mahalaga ba na physically attracted ka sa isang tao bago ka ma-in love.
What you think?
PHOTO BY BOCHIC ESTRADA, GMANetwork.com
Ayon sa dyosa ng Barangay LS na si Mama Cy, normal lang na magustuhan mo ang isang tao by their physical appearance. Pero hindi raw sapat na basehan ito para ma-in love ka na.
“Parang ‘yun ‘yung usual, di ba! Una, makikita mo, magagandahan ka, magwagwapuhan ka and then magpapakyut ka na. You get to know that person. Pero sa akin importante pa rin na ma-develop ka doon sa tao dahil sa ugali.”
Naniniwala ang witty radio host na mas mainam pa rin na maging magkaibigan muna ang dalawang tao, bago sila pumasok sa isang relasyon.
“That is why I support ‘yung thinking na mas maganda friends muna talaga kayo nagsimula. Iba ‘yung foundation nun eh. Iba ‘yung foundation na magkaibigan kayo kasi doon nakikita mo na lahat. Unlike ‘yung pag manliligaw ka, siyempre kung ako nanliligaw ipapakita ko lahat ng good traits ko, hindi ko ipapakita sa iyo ‘yung negative di ba.”
“Same with doon sa nililigawan. Kung nililigawan mo ako magpapakyut lang ako sa iyo, hindi ko ipapakita sa iyo ang negative traits ko. Unlike kung magkaibigan kayo kung tulo laway ka kapag natutulog ka di ba alam mo ‘yun. So iba ‘yung foundation,” dagdag pa ni Mama Cy.
PHOTO BY BOCHIC ESTRADA, GMANetwork.com
Para naman sa resident macho ng DWLS na si Papa Baldo, hindi raw dapat maging ipokrito na talagang magugustuhan mo ang isang tao dahil natitipuhan mo ang hitsura nito.
“It’s a yes to me again. Kasi siyempre napakasinungaling naman na magsasagot ng hindi eh. Doon nag-start talaga ‘yung dalawang tao na magkaroon ng koneksyon. Siyempre ‘yung una muna mapapansin ni lalaki si babae na there is something special about that girl.”
Wala rin daw masama kung magkagusto ka sa ganoong paraan dahil natural lamang naman daw ito.
“Parang ‘yun lang ‘yung naging pinaka-instrumento to start something special between you and her or him,” dagdag niya.