When to end a relationship? Papa Baldo and Papa Jepoy give you the signs
May 23 2014

Barangay LS 97.1 DJs Papa Baldo and Papa Jepoy may not be comforting the broken-hearted in their radio programs, but they have some sound advice when it comes to matters of the heart.
We asked them what could possibly be the ultimate reason for ending a relationship, and they were very open in imparting their words of wisdom.
Para sa host ng 3Play na si Papa Baldo, naniniwala siya sa paghahanap ng sign.
"Tayong mga Pilipino, sobrang romantiko rin natin. Lagi tayong naniniwala sa signs?. Naghihintay tayo ng mga salita o bagay-bagay na kapag nangyari o dumating o narinig mo 'yun, parang 'yun ang sign na 'This is the end of everything.' Parang naniniwala ako doon eh, dahil nga totoong nangyayari 'yun sa buhay-buhay ng tao."
Ayon sa kanya, mararamdaman mo rin naman kapag wala na talagang pag-asa ang inyong relationship.
"Masasabi kong tapos na talaga ang lahat kapag ginawa mo na ang lahat-lahat ng parte mo at sobrang nagmumukha ka nang tanga, wala na talagang pag-asa, or umaayon na ang lahat ng mga tao sa paligid mo na mali 'yung ginagawa mo. Siguro that's the end of the story."
Family naman ang biggest factor para kay Papa Jepoy, who hosts Potpot and Friends with Papa Bodjie and Mama Cy. "Kapag sa relationship kasi ngayon, gumagawa na ng pundasyon papunta sa pamilya niyo na, 'yung ako na 'yung sa taas. Kapag 'yung babae, umaasa pa rin sa magulang, 'yung ganun, alanganin ka. Hindi ka pa talaga para dito, ganoon."
Hindi man pareho ang kanilang paniniwala sa unang tanong, nagkasundo naman sila when asked if they can forgive someone who cheated on them.
"Forgiveness, I'm open to that. Siyempre tao lang tayo. Diyos nga nagpapatawad, tayo pa? Pero reconciliation or second chance or 'yung magkabalikan, not my thing," says Papa Baldo.
To which Papa Jepoy adds, "Oo, dapat. Siyempre sabi nila, dapat talaga magpatawad. Para rin sa 'yo 'yun eh, para sa peace of mind mo."
He reaffirms Papa Baldo's answer on not considering reconciliation with your partner.
"Hindi na siguro. Kasi ang mangyayari is magsusumbatan kayo. Parang naka-move on ka na, at saka sabi nga nila, 'yung ex-girlfriend mo kapag naging kaibigan mo in the end, dalawa lang eh. Kung hindi talaga kayo in love sa isa't isa, magkaibigan lang talaga kayo. Ganun lang. Kapag naghiwalay, tapos na, kasi magiging habit 'yun eh. Kaya ako ingat na ingat ako, kasi kapag tapos na, tapos na."
For more of Papa Baldo and Papa Jepoy, tune in to Barangay LS 97.1. Visit GMANetwork.com for updates on your favorite stars and shows.
-- Text by Michelle Caligan, Photo by Bochic Estrada, GMANetwork.com