Papa Jepoy: From the basketball court to the radio booth | GMANetwork.com - Radio - Articles

Sino ba naman ang mag-aakala na ang DJ sa likod ng matining na boses na ating naririnig from 6 a.m. to 9 a.m. araw-araw ay isa palang amateur basketball player?

Papa Jepoy: From the basketball court to the radio booth


Sino ba naman ang mag-aakala na ang DJ sa likod ng matining na boses na ating naririnig from 6 a.m. to 9 a.m. araw-araw ay isa palang amateur basketball player?

'Yan ang pinagkakaabalahan ni Juanito G. Quiamco III, o mas kilala bilang si Papa Jepoy, bago pa niya pinasok ang pagiging radio DJ. Ayon sa kanyang kuwento, wala daw talaga siyang balak magtrabaho sa radyo dahil very passionate siya sa basketball.

"Kasi basketball [player] ako dati, sa San Sebastian, tapos MassCom [student] ako. May DJ mula sa ibang station na pumunta sa school, campus tour. Na-interview ako, nakulitan sa akin, sabi 'Akin na 'yung number mo. ipapa-student DJ kita.' Eh nagba-basketball pa ako noon, so hindi ko pinansin."

Ano kaya ang nagtulak sa kanya na subukan ang pagiging disc jockey?

"Eh sa NCAA, na-eliminate kami. Ayoko nang maglaro, na-depress. Tinawagan ko siya, 'Puwede pa ba?' Sabi 'Sige, puwede pa.' Nag-student DJ ako. Pag-graduate ko, ang lakas ng loob ko mag-apply. Pag-apply ko, hindi ako nakuha. Ang bagsak ko, nag-waiter ako sa casino ng mga six months. Tapos naging DJ ako sa ibang station, six months din, tapos dito na sa LS."

This November will be Papa Jepoy's sixth year with Barangay LS 97.1. "Ang saya, ang daming natututunan. Ang bilis ng six years, parang bitin. Sana magtagal pa ng isa pang six years. Basta sana hangga't nandiyan ang Barangay LS ay nandiyan kami," he says.

Kasama niya sa kanyang morning show na Potpot and Friends sina Mama Cy at Papa Bodjie. Kamusta naman kaya ang working relationship nilang tatlo? Papa Jepoy admits it was quite a challenge at first.

"Mahaba ang pasensiya nila, as in sobra. Sila kasi talaga 'yung by the book. Ako talaga ang pahamak lagi. Noong una, napipikon talaga sila, nabubuwisit sila kasi kung ano-ano na ang ginagawa ko. Motto ko kasi, 'Hindi mo malalaman kung hindi mo susubukan.' Kung mali, huwag mo nang uulitin. Buti na lang mahaba talaga ang pasensiya nila. Buti na lang sila ang mga kasama ko."

Catch Papa Jepoy with Mama Cy and Papa Bodjie in Potpot and Friends, weekdays from 6 a.m. to 9 a.m. on Barangay LS 97.1. For updates on your favorite Kapuso stars and shows, visit GMANetwork.com. -- Text by Michelle Caligan, Photo by Bochic Estrada, GMANetwork.com
ShareThis Copy and Paste
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.