Papa Buboy: Actor or DJ?
April 30 2014

Mas nakilala man siya sa pagiging kuwelang DJ ng Barangay LS FM 97.1, marami ang 'di nakakaalam na si Papa Buboy ay may ibubuga din sa pag-arte. Justiniano Candado II sa totoong buhay, ilang projects na ang nagawa niya sa telebisyon, pelikula at teatro.
Naikuwento ni Papa Buboy sa GMANetwork.com na napabilang siya sa indie film na Sepulturero kung saan nanalo siya ng Best Supporting Actor sa Cine Haraya Film Fest at napasama siya sa historical drama nang GMA News TV na Katipunan na ipinalabas noong nakaraang taon.
Inamin niya na kahit passion niya ang acting, mahirap ang mundong pinasok niya dahil hindi stable ang income sa pagiging artista. “Kasi pag sa theatre, pati sa TV ang project mo, per show, after [the] show wala na. So, audition na naman. Parang naisip ko, I have to look for a real job na malapit din dun sa passion ko nga which is acting.”
Kaya nung nag-announce sa radyo na naghahanap ang LS FM ng bagong DJ naisipan niya na mag-audition. Dagdag pa ng dating seminarista, hindi na daw siya umasa na matatangap siya dahil ilang buwan din ang lumipas na walang sinasabi kung nakapasa siya sa audition.
Pero after nung project niya na Sepulturero sakto dumating yung magandang balita na siya 'yung napili maging bagong DJ ng LS. Kaya very flattered daw siya for the trust na ibinigay sa kanya kahit ang background lang niya ay acting.
Focused si Papa Buboy sa pagiging DJ kaya prepared siya every time na nasa trabaho. “Tama yung sabi ni Papa Kiko na preparation. I prepare kahit 3 am (ang show ko) pumupunta ako ng Barangay LS ng mga 1 am. Makikita mo ako, hinahanda ko lang 'yung list of songs ko.”
Nagbibigay inspirasyon din kay Papa Buboy na napapasaya niya 'yung mga listeners nang Barangay LS FM at naniniwala siya na malaking responsibilidad ang pagiging DJ.
“Kasi may nainterview ako dati nung nagjournalism student pa ako na DJ. Sabi niya napakalaki ng kapangyarihan ng DJ, lahat ng sasabihin mo paniniwalaan ng tao so napakalaki ng responsibilidad na itama sila.” saad niya.
Sa tanong na kung ano pipiliin niya, ang maging aktor o DJ, sagot ni Papa Buboy “Why would you choose if you can have both…. Naisip ko if ever dadating 'yung point na kailangan pagsabayin, siyempre priority mo 'yung regular job 'yun, pero kung makakasingit ako ng acting isisingit ko”.
Patuloy na subaybayan si Papa Buboy sa Hoy Pinoy, Mondays to Fridays (3am-6am) and Three Play every Saturday (3pm-9pm). Kaya mga ka-barangay, Tugstugan Na! For the latest news on Papa Buboy and other Kapuso stars and DJs, visit GMANetwork.com.
- Text by Aedrianne Acar, Photo by Bochic Estrada, GMANetwork.com