Marian Rivera, sinorpresa ang mga manonood ng 'Balota' sa sinehan | GMANetwork.com - Pictures - Photos

By Dianne Mariano Nagkaroon ng surprise visits kamakailan ang Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera sa iba’t ibang sinehan, na nagpasaya sa masuswerteng Balota viewers. Bumibida ang award-winning star bilang Teacher Emmy sa nasabing pelikula.  Sa Instagram post ni Marian, in-upload niya ang video kung saan mapapanood ang kanyang pagbisita sa mga sinehan at ang mainit na pagsalubong sa kanya ng fans. Makikita rin ang labis ng tuwa ng Balota viewers nang makita ang aktres sa sinehan.  “Maraming Salamat po #LabanTeacherEmmy,” sulat niya sa caption.         View this post on Instagram                       A post shared by Marian Rivera Gracia Dantes (@marianrivera)   Sa recent “Chika Minute” report ni Nelson Canlas para sa 24 Oras, natutuwa ang renowned star sa magagandang reviews ng Balota at aniya’y isang “wake up call” ang pelikulang ito. “Nakakataba ng puso, lalo na kapag nakikita mo ‘yung good reviews na sinasabi nila tungkol sa Balota. Ito talagang Balota, isang adbokasiya talaga siya kaya pinu-push talaga namin na mas maraming makapanood kasi wake up call ito sa mga tao, higit lalo sa mga kabataan na tamang-tama mag-eeleksyon na, malapit na,” aniya.  Bukod kay Marian Rivera, kabilang sa cast ng Balota sina Gardo Versoza, Will Ashley, Royce Cabrera, Raheel Bhyria, Sassa Gurl, Esnyr, Nico Antonio, Donna Cariaga, Joel Saracho, Sue Prado, at Mae Paner. Napapanood ang Balota sa cinemas nationwide.