'Green Bones' cast at team, nagsama-sama sa isang thanksgiving dinner | GMANetwork.com - Pictures - Articles

Puno ng pasasalamat ang team ng 'Green Bones' sa kanilang thanksgiving party!

'Green Bones' cast at team, nagsama-sama sa isang thanksgiving dinner

By KRISTINE KANG

Tila umaapaw ang blessings ang natanggap ngayon ng buong team ng inspirational-drama film na Green Bones.

Hanggang ngayon, marami pa rin ang tumatangkilik sa pelikula at umabot na sa fourth week ang screening nito nationwide.

Nanalo pa ang Green Bones ng anim na prestihiyosong awards sa 2024 Metro Manila Film Festival: Best Actor (Dennis Trillo), Best in a Supporting Role (Ruru Madrid), Best Child Performer (Sienna Stevens), Best Screenplay (Ricky Lee and Angeli Atienza), Best Cinematography (Neil Daza), at Best Pictures.

Para ipagdiwang ang bigating tagumpay ng pelikula, nagsama-sama ang cast at team nito sa isang thanksgiving dinner sa Quezon City.

Star-studded ang event kasama ang stars katulad nina Dennis Trillo, Ruru Madrid, Alesandra de Rossi, Ronnie Lazaro, Mikoy Morales, Gerhard Acao, Raul Morit, Sienna Stevens, Sofia Pablo, Victor Neri, at Enzo Osorio.

Present din ang creators ng film na sina Direk Zig Dulay, Anj Atienza, Neil Daza, at National Artist Ricky Lee.

Masaya rin nag-party ang GMA Public Affairs First Vice President and GMA Pictures Executive Vice President, Nessa Valdellon, kasama ang officials mula sa Columbia Pictures.

Bilang pasasalamat sa kanilang pagsuporta at tulong sa pagbahagi ng kanilang lenguahe sa pelikula, invited ang ilan sa mga indibidwal ng deaf community

"I just wanna say thank you for giving so much heart and so much love to this movie. Nakita ko iyon sa bawat grupo in every step of the process. Parang from the very start to isip pa lang ng concept hanggang sa pagsulat, ' yung pagdirek kay Direk Zig, pag-shoot ng team ni Direk Neil, ang paggawa ng music," sabi ni Ms. Nessa.

"Maraming-maraming salamat sa lahat ng tulong ng bawat isa sa atin. 'Yung Best Picture talaga ay para sa atin talaga lahat iyon. Gusto ko rin magpasalamat sa ating mga boss sa GMA Pictures. Kay Ms. Annette Gozon Valdes, Ma'am Nessa Valdellon, salamat lagi sa tiwala. Lagi ko sinasabi na sa tunay na buhay mahirap gumawa ng pelikula. Pero mas mahirap makakuha ng tiwala ng tao na ibibigay sayo lalo na sa paggawa ng isang MMFF na pelikula. Millions ang itataya sa'yo so maraming maraming sa tiwala Ma'am Nessa," pasalamat ni Direk Zig.

Maliban sa kanilang dinner, masaya rin nakipagkwentuhan at nag-games ang buong team ng Green Bones sa kanilang party.

Balikan ang congratulatory messages ng ilang celebrities sa pelikulang Green Bones:

 

 

Patuloy mapapanood ang GMA Pictures at GMA Public Affairs entry sa mga ilang sinehan nationwide hanggang January 21.

Malapit na rin mapapanood ito kasama ang iba pang MMFF movies Manila International Film Fest 2025 (MIFF) sa Los Angeles, USA mula January 30 hanggang February 2, 2025. Kasama rin sa roster of films ang high-grossing movie ng GMA Pictures at Star Cinema na Hello, Love Again.

Silipin ang dazzling highlights ng Green Bones premiere night dito:

 

Comments

ShareThis Copy and Paste
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.