Mikoy Morales, nagdala ng totoong green bones sa premiere night ng inpirational-drama film | GMANetwork.com - Pictures - Articles

Nagdala ng totoong green bones si Mikoy Morales sa premiere night ng 'Green Bones'

Mikoy Morales, nagdala ng totoong green bones sa premiere night ng inpirational-drama film

By KRISTINE KANG

Maraming puso ang naantig sa kuwento ng Kapuso actor na si Mikoy Morales sa premiere night ng Green Bones.

Sa kanyang Instagram account, ibinahagi ni Mikoy na dinala niya sa special screening ang green bones ng lola ng kanyang non-showbiz girlfriend na si Isa Garcia. Ang mga ito ay nasa loob ng isang kuwintas na suot niya noong gabing iyon.

Sa caption ng kanyang post isinulat niya, "This is Mama Gog - Isa Garcia’s lola, and these are her actual green bones."

"Took her to last night’s premiere dahil mahilig daw siya sa mga teleserye at artista. Medyo big deal kasi lola’s girl si Isa pero hindi ko na siya naabutan. But siguro, tuwang-tuwa 'yun kagabi. Baka naiyak din 'yun sa pelikula. Tapos baka kumain kami after kung hindi pa siya inaantok. Ewan, but I know we would’ve had good times, Mama Gog."

Lubos ang pasasalamat ni Mikoy sa kanyang girlfriend para sa pagkakataong makasama ang lola nito sa espesyal na paraan. "A special moment for a special movie. Thank you for letting me bring her as my date, Isa Garcia," dagdag niya.

 

Sa panayam niya sa GMANetwork.com, ibinahagi ni Mikoy  ang kanyang labis na pasasalamat na nagawa niyang lumikha ng isang espesyal na alaala para sa kanyang girlfriend.

Ayon sa aktor, nais gawing mas makabuluhan ni Isa ang premiere night kaya ibinigay muna nito ang espesyal na pendant na naglalaman ng  green bones ng kanyang lola.

Pahayag ni Mikoy sa gabing iyon, "(Pakiramdam ko) more guidance, at least kasama ko [si lola] manood and ngayon lang siya makaka-sine ulit after a long time."

Mapapanood na sa mga sinehan ang Green Bones simula ngayong December 25.

Ito ay ang official entry ng GMA Pictures at GMA Public Affairs sa 50th Metro Manila Film Festival.

Idinerehe ito ng award-winning direktor na si Zig Dulay at isinulat ng National Artist Ricky Lee at 2023 MMFF Best Screenplay writer winner na si Anj Atienza.

Co-produced din ito ng Brightburn Entertainment at kasama sa proyekto ang Columbia Pictures para sa Sony Pictures Releasing International.

Balikan ang star-studded black carpet ng 'Green Bones' premiere night, dito: