Cast ng 'Green Bones' at guest celebrities, dumalo sa premiere night ng 'Green Bones'
December 21 2024
Star-studded ang pinakahinihintay na premiere night ng inspirational- drama film na Green Bones.
Nitong December 20 sa SM North EDSA The Block, rumampa ang cast ng pelikula kasama ang ilan pang celebrities sa black carpet ng event.
Present ang dalawang main leads na sina Dennis Trillo at Ruru Madrid kasama ang kanilang real-life partners na sina Bianca Umali at Jennylyn Mercado.
Ayon sa dalawa, labis ang kanilang excitement na mapanood ang pelikula kasama ang ilang guest ng event. Grateful din silang pareho sa mainit na pagsuporta ng online netizens at pati ang fans na dumalo sa premiere night.
"Napaka tama ng pakiramdam talagang sobrang overwhelmed kami sa magagandang reviews kaya sana gusto namin mapanood na ito ng marami para maibahagi namin ang mga magagandang mensahe na dala nitong project na ito," sabi ni Dennis.
"Siguradong kukurotin po nito ang inyong mga puso. Talagang tatamaan po kayo talaga. Noong ginawa po namin ito, talagang pinusuan at minahal po namin itong project. Iyon po ay para sa hangarin na mapagbigay ng isang inspirational film para sa mga manonood," dagdag ni Ruru.
Kasama din ang iba pang mahusay na cast na sina Alessandra de Rossi, Iza Calzado, Mikoy Morales, Gerhard Acao, Sienna Stevens, Sofia Pablo, Pauline Mendoza, at Enzo Osorio.
May special appearance din ang SB19 members na sina Stell at Pablo bilang singers ng theme song ng pelikula na "Nyebe."
Stunning at dashing ang guest Kapuso celebrities na sina Rere Madrid, Matt Lozano, Bryce Eusebio, Paul Salas, Allen Ansay, Marco Masa, Ashley Sarmiento, Rocco Nacino, at marami pang iba.
Siyempre, hindi nagpahuli ang creators ng Green Bones na sina Direk Zig Dulay, Ricky Lee, Anj Atienza, at JC Rubio.
Masaya rin bumati sa black carpet ang Senior Vice President for Programming, Talent Management, Legal, Human Resources Development, and Worldwide Group na si Atty. Annette M. Gozon-Valdes, GMA Pictures Executive Vice President Ms. Nessa Valdellon, at Vice President of Sparkle GMA Artist Center Ms. Joy Marcelo.
Mapapanood ang 2024 Metro Manila Film Festival na Green Bones sa mga sinehan ngayong December 25.
Kasama rin ang cast ng Green Bones sa MMFF Parade of Stars 2024 ngayong Sabado, December 21.
Samantala, tingnan ang highlights ng special screening ng Green Bones sa gallery na ito:
Comments
comments powered by Disqus