'Green Bones' actors at celebrity guests, naging emosyonal sa premiere night ng pelikula
December 21 2024
Isang standing ovation ang sumalubong sa cast ng inspirational-drama film na Green Bones sa premiere night kahapon, December 20.
Marami ang hindi napigilan ang kanilang pag-iyak sa mga emosyonal nitong eksena at madamdaming istorya.
Pati ang cast ng pelikula--katulad nina Dennis Trillo, Sienna Stevens, at Sofia Pablo--bumuhos ang mga luha habang pinapanood ito.
"It's overwhelming kasi nagbunga po lahat ng pinaghirapan namin. Hindi po naging madali 'yung journey or 'yung process ng paggawa ng pelikula. Marami sacrifices but once na napanood n'yo ang pelikula doon makikita na it's all worth it na hindi po naging madali 'yung pinagdaanan," pahayag ni Ruru Madrid.
"Sobrang ganda ng pelikula at maging parte lang nito ay isang malaking karangalan. For me, after I watched this film, sabi ko, ' It's gonna be a timeless film. It's gonna be a classic na kahit na tumanda ako at mawala ako sa mundong ito, nakatatak na ang Green Bones."
Naging emosyonal din ang real-life partners ng main leads na sina Bianca Umali at Jennylyn Mercado. Samantala, ang GMA News personalities na sina Aubrey Carampel at Jessica Soho, kinulangan pa raw ng tissue dahil sa patuloy nilang pag-iyak sa premiere night.
Labis naman ang pasasalamat ng SB19 members na sina Stell at Pablo nang napakinggan nila ang kanilang kantang "Nyebe" sa Green Bones.
"Nakakagulat lang din po kasi for us there's a different meaning para doon sa kanta namin. Pero phabang pinapatugtog siya at pinapakita 'yung scenes ng movie, sabi ko 'Ah, osible pala 'yun na tumugma 'yung lyrics niya kahit iba 'yung story na [pinortray] niya.' Nagpapasalamat kami sa lahat ng bumuo ng Green Bones for using our song. Sana mapanood ito ng marami," sabi ni Pablo.
Ang creators naman ng film tulad ni Anj Atienza, masaya na malapit nang mapapalabas ang kanilang pelikula sa Metro Manila Film Festival screen.
"I'm overwhelmed. Siguro higit sa lahat grateful. I only feel gratitude na natapos namin ng maayos at matiwasay ang pelikula, at pinalabas na siya. Base sa reaksyon ng mga tao ay minahal din nila 'yung kuwento ni Dom at ni Xavier [karakter nina Dennis at Ruru]. Nagpapasalamat kami kumbaga base sa reaksyon ng mga tao, nakuha nila 'yung gustong sabihin ng pelikula. 'Yung mga bagay na pwede nating pag-isipan paglabas natin ng sine at mga tanong na puwede nating itanong sa ating sarili tungkol sa ano ba ang mabuti o ano ang hustisya," ani Anj.
Ang Green Bones ay official entry ng GMA Pictures at GMA Public Affairs sa 2024 Metro Manila Film Festival. Idinerehe ito ni Zig Dulay at isinulat nina Ricky Lee at Anj Atienza.
Pinagbidahan nito nina Dennis Trillo at Ruru Madrid bilang sina Domingo Zamora at Xavier Gonzaga.
Ang pelikula ay co-produced ng Brightburn Entertainment at kasama sa proyekto ang Columbia Pictures para sa Sony Pictures Releasing International.
Tingnan ang highlights ng special screening ng Green Bones sa gallery na ito:
Comments
comments powered by Disqus