Yani Villarosa, nais panoorin ang 'Green Bones' kasama ang kanyang tatay na dating pulis
December 19 2024
Marami ang hindi napigilang umiyak nang mapanood ang 2024 Metro Manila Film Festival entry na Green Bones sa ginanap nitong special screening noong December 18.
Isa sa mga naging emosyonal ay ang content creator na si Yani Villarosa o mas kilala bilang Yani Hatesu. Sa kanyang panayam sa GMANetwork.com, labis ang kanyang papuri sa pelikula ng GMA Pictures at GMA Public Affairs. Ayon kay Yani, "sobrang ganda" raw ng pelikula na likha ng award-winning creators tulad nina Direk Zig Dulay, Ricky Lee, at Anj Atienza.
Naka-relate rin si Yani sa istorya ng Green Bones dahil siya ay isang anak ng dating pulis. Ibinahagi niya na kapag napanood niyang muli ang pelikula ngayong Pasko, nais niyang isama ang kanyang ama.
"Retired na pulis 'yung father ko so parang like meron ako experience growing up na naririnig ko 'yung stories about people na nasa preso," kuwento niya.
Dagdag pa niya, "If anything iyon 'yung nagustuhan ko from this film na feeling ko na-humanized 'yung person deprived of liberty (PDL)."
Ang Green Bones ay may halong inspirasyon mula sa mga tunay na kuwento sa mga bilangguan. Ang set ng pelikula ay hango sa isang tunay na penal colony na binisita mismo ng production team. Ang iconic na Tree of Hope sa pelikula ay hango naman sa totoong wishing tree sa General Trias City Jail. Dito isinusulat ng mga PDL ang kanilang mga munting hiling sa loob ng preso.
Ang inspirational-drama film na Green Bones ay mapapanood na sa mga sinehan simula ngayong December 25.
Ipinagmamalaking idinerehe ito ni Direk Zig Dulay at isinulat nina Ricky Lee at Anj Atienza. Ang pelikula ay co-produced ng Brightburn Entertainment at ipapamahagi ng Columbia Pictures para sa Sony Pictures Releasing International.
Habang hinihintay ang Green Bones premiere, balikan ang highlights ng star-studded media day, rito:
Comments
comments powered by Disqus