Cast ng 'Green Bones,' dadalo sa premiere night at MMFF Parade of Stars 2024
December 17 2024
Ilang tulog na lang at mapapanood na sa big screen ang 2024 Metro Manila Film Festival entry na Green Bones.
Pinagbibidahan ito ng bigating stars na sina Kapuso Drama King Dennis Trillo at Primetime Action Hero na si Ruru Madrid.
Kasama rin nila ang iba pang mahusay na aktor at aktres na sina Alessandra de Rossi, Wendell Ramos, Michael de Mesa, Ronnie Lazaro, Mikoy Morales, Royce Cabrera, Gerhard Acao, Raul Morit, Sienna Stevens, Sofia Pablo, Victor Neri, Kylie Padilla, Ruby Ruiz, Pauline Mendoza, at Enzo Osorio. May special participation din sa pelikula sina Iza Calzado at Nonie Buencamino.
Ngayong darating na Biyernes (December 20), lalakad na sa black carpet ang cast ng inspirational-drama film sa pinakahihintay nitong premiere night.
Sa isang Facebook post, masayang inanunsyo ng GMA Pictures ang papalapit na star-studded event ng pelikula. Magsisimula raw ang black carpet ng 6:30 p.m. sa SM North EDSA The Block. Para mas ramdam ang Green Bones fever, inaanyayahan ang attendees na magsuot ng kanilang best green ensembles sa event.
Back-to-back ang kaganapan ng Green Bones team dahil bukod sa premiere night, kasama rin sila sa hinihintay na MMFF Parade of Stars 2024 na magaganap sa Sabado (December 21). Ang parada ay bahagi ng annual celebration ng MMFF at pagkakataon ng movie casts na makihalubilo sa kanilang fans at netizens. Magsisimula ang parada sa Kartilya ng Katipunan at iikot sa lungsod ng Maynila hanggang sa Manila Central Post Office.
Mapapanood ang official MMFF entry ng GMA Pictures at GMA Public Affairs na Green Bones ngayong December 25 sa mga sinehan, nationwide.
Binuo ito ng award-winning team mula sa 2023 MMFF entry na Firefly at co-produced ng Brightburn Entertainment. Idinerehe ito ni Direk Zig Dulay at isinulat nina Ricky Lee at Anj Atienza.
Kasama rin sa proyekto ang Columbia Pictures para sa Sony Pictures Releasing International.
Samantala, balikan ang star-studded Green Bones media day sa gallery na ito:
Comments
comments powered by Disqus