'Green Bones' star Ruru Madrid, dumalo sa 'Konsyerto sa Palasyo: Para sa Pelikulang Pilipino'
December 17 2024
Isang engrandeng selebrasyon na puno ng saya at pagmamahal sa pelikulang Pilipino ang naganap sa Malacañan Palace nitong Linggo (December 15).
Ipinagdiwang kasi ang Konsyerto sa Palasyo: Para sa Pelikulang Pilipino kung saan maraming stars at icons sa industriya ng sine ang nagsama-sama para sa selebrasyon.
Kasama rito ang cast ng iba't-ibang pelikula na kalahok sa 50th Metro Manila Film Festival ngayong darating na Pasko.
Para sa GMA Pictures at GMA Public Affairs' entry na Green Bones, present ang primetime action hero na si Ruru Madrid.
Ang inspirational drama film na ito ay magiging debut ni Ruru sa MMFF, kaya't puno ng excitement at pasasalamat ang kanyang damdamin sa pagkakataong makasama sa cast. Ayon kay Ruru sa isang panayam kasama ang GMANetwork.com, mabusising pinaghandaan niya ang kanyang papel bilang si Xavier Gonzaga.
"Nag-workshop ako for how many months bago ko gawin itong Green Bones dahil ayoko siyang sayangin. You know, hindi naman lahat ay nabibigyan ng oportunidad na makagawa ng MMFF so ngayon na binigyan po ako ng chance, gusto kong ibuhos 'yun lahat. Gusto kong ibigay lahat ng skills na pwede ko ibigay dito," pahayag ni Ruru.
Present din sa kaganapan ang Senior Vice President for Programming, Talent Management, Legal, Human Resources Development, and Worldwide Group na si Atty. Annette M. Gozon-Valdes at iba pang executives ng GMA.
Isang espesyal na pagtatanghal naman ang ibinigay ng newly-signed Sparkle artist na si Gian Magdangal. Bilang bahagi ng selebrasyon, kinilala rin ang tagumpay ng highest grossing film ng GMA Pictures at Star Cinema na Hello, Love, Again.
Samantala, tingnan ang listahan ng mga MMFF movies ngayong taon, dito:
Panoorin ang buong ulat sa video na ito:
Comments
comments powered by Disqus