'Green Bones' cast, excited para sa kanilang cinema visits | GMANetwork.com - Pictures - Articles

Huwag palampasin ang 2024 MMFF entry 'Green Bones' ngayong December 25!

'Green Bones' cast, excited para sa kanilang cinema visits

By KRISTINE KANG

Malapit nang magbukas ang pinakahinihintay na Metro Manila Film Festival (MMFF) ngayong taon na magsisimula sa December 25. Kasama ng kanilang fans, excited na rin ang cast ng Green Bones na mapanood ang kanilang inspirational drama film sa big screen.

Bida sa pelikula ang Kapuso Drama King na si Dennis Trillo at Action Primetime Hero na si Ruru Madrid. Kasama rin nila ang ibang mga magagaling na artista tulad nina Alessandra de Rossi, Wendell Ramos, Michael de Mesa, Mikoy Morales, Royce Cabrera, Sienna Stevens, Sofia Pablo, at Kylie Padilla. May special participation din sina Iza Calzado at Nonie Buencamino.

"Napakadami nilang aabangan. Marami po kayong matututunan sa pelikula na ito at bukod po doon sabi ko nga dream team itong Green Bones.  Kasi binubuo po ito ng mga award winning na mga tao dito sa ating industriya na magmula sa pag di-direk, sa pagsusulat, (at) sa larangan ng pag arte," pahayag ni Ruru Madrid sa GMANetwork.com. "It’s an inspirational film na I’m sure na magugustuhan at makaka-relate ang maraming mga tao sa pelikula na ito."

Bilang bahagi ng selebrasyon, naghahanda na rin ang cast ng Green Bones sa kanilang pagbisita sa mga sinehan. Excited na nga raw ang main leads at si Sofia Pablo na makihalubilo sa moviegoers at kanilang fans.  

"Mag-iikot po kami sa mga sinehan," sabi ni Dennis sa 24 Oras. "Kung kinakailangan magbenta ng ticket, makikita n'yo kami, abangang n'yo kami sa mga ticket booth. Sosorpresahin namin kayo," biro niya.

Mapapanood na ang Green Bones sa mga sinehan nationwide simula sa December 25. Maaari na rin bumili ng mga ticket sa SM Cinema App at ticket booths.

 

Ang Green Bones ay ang official entry ng GMA Pictures at GMA Public Affairs sa 50th Metro Manila Film Festival (MMFF). Idinirehe ito ni Zig Dulay at isinulat nina Ricky Lee at Anj Atienza.

Co-produced ito ng Brightburn Entertainment at kasama rin sa proyekto ang Columbia Pictures para sa Sony Pictures Releasing International.

 Silipin ang highlights ng 'Green Bones' media day sa gallery na ito: