Iza Calzado sa 'Green Bones': 'Ito po pala ang aking pagbabalik sa aking GMA' | GMANetwork.com - Pictures - Articles

Labis ang saya ni Iza Calzado na makasama ang Kapuso team ng 2024 MMFF entry na 'Green Bones.'

Iza Calzado sa 'Green Bones': 'Ito po pala ang aking pagbabalik sa aking GMA'

By KRISTINE KANG

Ipinakilala kamakailan lang ang bigating cast ng 2024 Metro Manila Film Festival entry na Green Bones.

Star-studded ang stage sa ginanap na media day ng pelikula kung saan present ang ilan sa mga mahusay na aktor at creators ng proyekto.  

Kasama na rito ang aktres na si Iza Calzado na may special appearance sa inspirational drama film.

Ayon kay Iza, masaya siya na makasama muli sa isa na namang magandang proyekto ng GMA pagkatapos ng ilang taon. Kuwento niya, alam ng aktres na interesting gawin ang Green Bones nang makita niya ang istorya nito.

Ngunit ang nakakatawa para sa kanya ay hindi niya namalayan na ito pala ang kanyang Kapuso comeback project.

“Hindi ko siya na-realize. Sabi ni Ms. Nessa (Valdellon, GMA Pictures Executive Vice President and GMA Public Affairs First Vice President), ‘Is this your comeback project with GMA?’” inalala niya. "Hindi ko siya na-realize because when I read the script, I read it like a script of any other. When I said yes to it, I said yes because it was a good script, regardless of who was producing it.”

Masaya si Iza na makita at makatrabaho muli ang kanyang Kapuso family. "So yes, ito po pala ang aking pagbabalik sa aking GMA. Siyempre pamilya ko po ito ng 10 taon at alam ni Ms. Annette (Gozon-Valdez, GMA Network Senior Vice President for Programming, Talent Management, Worldwide, and Support Group, and President of GMA Films) na mahal na mahal ko sila,” dagdag niya.

Labis din ang kanyang tuwa na makasama ang ilang Kapuso stars tulad nina Alessandra de Rossi at Dennis Trillo. Hanga rin siya sa husay na ipinakita ng young stars tulad ni Sienna Stevens.

“It felt so familiar but also new. Parang it brought me back to my twenties. Alam mo ‘yun, sila pa rin ‘yung nakikita ko. I looked at them and I thought to myself, ‘Wow, we’ve been through so much and we’re still here. Thank you, Lord,'" pahayag niya. "It’s so nice to work with everybody. I wish I had more scenes with them, but I didn’t really have as many.”

Looking forward si Iza na makatrabaho muli ang GMA Network kung may bagong oportunidad ulit silang matanggap. Ngunit ngayon, focus muna raw ang aktres bilang nanay sa kanyang anak na si Deia.

Ipapalabas na ang Green Bones sa mga sinehan ngayong December 25 bilang official entry sa 50th Metro Manila Film Festival (MMFF). Binuo ito ng award-winning team ng GMA Pictures, GMA Public Affairs, at Brightburn Entertainment.

Isinulat din ito nina National Artist Ricky Lee at MMFF 2023 Best Screenplay winner Anj Atienza. Kasama rin sa proyekto ang Columbia Pictures para sa Sony Pictures Releasing International.

Silipin ang highlights ng Green Bones media day sa gallery na ito: