Marian Rivera says 'Balota' is a 'wake up call' for her | GMANetwork.com - Pictures - Articles

Bakit kaya isang wake up call para kay Kapuso Primetime Queen Marian Rivera ang pelikula niyang ‘Balota’? Alamin dito

Marian Rivera says 'Balota' is a 'wake up call' for her

By DIANNE MARIANO

Labis ang tuwa at pasasalamat ng award-winning actress na si Marian Rivera sa lahat ng tumatangkilik ng kanyang pinagbibidahang pelikula na Balota

Sa naganap na media interview kamakailan para sa success ng theatrical run ng pelikula, sinabi ng Kapuso Primetime Queen na kakaiba ang fulfillment ang naibigay ng Balota sa kanya.

“Ang hirap ikumpara ‘yung mga nagawa kong pelikula pero isa siguro si Balota na masasabi ko na, noong ginawa ko siya, ‘yung fulfillment na naramdaman ko noong ginagawa ko siya, at noong natapos ko siya, at noong pinanood ko na siya sa sinehan, iba pa rin ‘yung fulfillment na nakuha ko doon, na parang sinabi ko, ‘Ay, pwede pa lang ganito,’ aniya.

KUwento pa ng aktres, masaya na gumawa ng proyekto na mayroong maibibigay na kontribusyon sa buhay ng mga manonood. 

“Ngayon na-realize ko na sa bawat gagawin ko siguro, gusto ko talaga na kapag nanonood ‘yung mga tao sa akin, may nako-contribute ako sa buhay nila habang pinapanood nila,” pagbabahagi niya. 

Ayon pa kay Marian, isang “wake up call” para sa kanya ang nasabing pelikula upang gumawa pa ng mas maraming quality films. 

“Kung kayo ay may wake-up call sa Balota, ito naman ang aking wake-up call sa paggawa ng mas maraming magagandang pelikula,” ani ng renowned star.

SILIPIN ANG NAGANAP NA MEDIA INTERVIEW NI MARIAN RIVERA SA GALLERY NA ITO.