Marian Rivera, kakaibang fulfillment ang naramdaman sa 'Balota'
November 13 2024
Labis ang tuwa ng Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera dahil maraming mga manonood ang tumatangkilik sa kanyang pelikulang Balota, kung saan binigyang-buhay niya ang role bilang Teacher Emmy.
Sa naganap na media interview kamakailan, masaya ang award-winning actress sa mga feedback na natatanggap ng kanyang pinagbibidahang pelikula at karamihan mula sa mga kabataan.
“Ang dami, parang sinasabi nila ang dami nilang realization doon sa pelikula at nakakatuwa dahil itong mga ito ay mga bata talaga, mga estudyante,” pagbabahagi niya.
Nagpapasalamat din si Marian sa lahat ng mga guro dahil sa kanilang panghihikayat sa mga estudyanteng manood ng Balota.
Kuwento pa ng renowned actress, malaki ang naging impact sa kanya ng naturang pelikula at kakaibang fulfillment ang naibigay nito sa kanya.
Aniya, “Malaki. Sabi ko nga, ang hirap ikumpara ‘yung mga nagawa kong pelikula pero isa siguro si Balota na masasabi ko na, noong ginawa ko siya, ‘yung fulfillment na naramdaman ko noong ginagawa ko siya, at noong natapos ko siya, at noong pinanood ko na siya sa sinehan, iba pa rin ‘yung fulfillment na nakuha ko doon, na parang sinabi ko, ‘Ay, pwede pa lang ganito.’
“Masarap gumawa ng isang proyekto na kapag gumagawa ka, buong buo ‘yung loob mo at alam mong may mako-contribute ka din sa mga manonood. Parang ngayon na-realize ko na sa bawat gagawin ko siguro, gusto ko talaga na kapag nanonood ‘yung mga tao sa akin, may nako-contribute ako sa buhay nila habang pinapanood nila.”
BALIKAN ANG NAGANAP NA PREMIERE NIGHT NG BALOTA SA GALLERY NA ITO.
Comments
comments powered by Disqus