'Hello, Love, Again,' mapapanood sa 900 sinehan sa buong mundo | GMANetwork.com - Pictures - Articles

Mapapanood na sa 500 sinehan sa Pilipinas at 900 sinehan sa buong mundo ang 'Hello, Love, Again' na pinagbibidahan nina Alden Richards at Kathryn Bernardo.

'Hello, Love, Again,' mapapanood sa 900 sinehan sa buong mundo

By AARON BRENNT EUSEBIO

Simula ngayong araw, November 13, mapapanood na sa mahigit 500 sinehan sa Pilipinas ang pinaka-inaabangang pelikulang Hello, Love, Again na pinagbibidahan nina Alden Richards at Kathryn Bernardo.

Bukod sa 500 sinehan sa Pilipinas, malapit na rin mapanood ang Hello, Love, Again sa 900 sinehan sa buong mundo.

"Sa lahat ng mga Kapuso, and sa lahat ng mga excited nang mapanood ang love story nina Joy at Ethan, showing na po ang Hello, Love, Again in cinemas worldwide. Five hundred cinemas in local and 900 cinemas worldwide, so, panoorin niyo po itong pelikula namin. We're very proud of this project, sana po magustuhan n'yo ang muli naming pagsasalaysay ng kuwento nina Joy at Ethan," saad ni Alden sa live report ni Aubrey Carampel sa 24 Oras mula sa premiere night ng Hello, Love, Again sa SM Megamall.

Dagdag ni Kathryn, "This is it! Maraming, maraming salamat sa lahat ng nagpakita ng suporta ever since we announced the movie, sa lahat ng mall show, sa lahat habang nagsu-shoot, and ngayon sa premiere night. Ready na kami mapanood ulit sina Joy at Ethan, sana kayo rin."

Panoorin ang buong ulat ni Aubrey Carampel DITO:

Star-studded ang naging premiere night ng Hello, Love, Again kung saan naglalakihang mga bituin ng GMA at ABS-CBN ang dumalo.

KILALANIN KUNG SINO-SINO 'YAN SA MGA LARAWANG ITO: