Alden Richards, ramdam ang hirap ng LDR dahil sa 'Hello, Love, Again' | GMANetwork.com - Pictures - Articles

"What really matters is if the love that you feel for each other is deep enough to sustain that kind of setup," saad ni Alden Richards tungkol sa long-distance relationships.

Alden Richards, ramdam ang hirap ng LDR dahil sa 'Hello, Love, Again'

By AARON EUSEBIO

Matapos ang limang taon, muling gagampanan ni Asia's Multimedia Star Alden Richards ang role ni Ethan sa pelikulang Hello, Love, Again na mapapanood na sa mga sinehan sa November 13.

Sa panayam ni Alden sa Kapuso Insider, kinuwento niyang naramdaman niya kung gaano kahirap ang pagkakaroon ng long-distance relationship, ngayong naiwan si Ethan sa Hong Kong samantalang pumunta sa Canada si Joy, ang karakter ni Kathryn Bernardo.

"In that kind of setup, minsan ang hirap balansehin ng mga bagay-bagay lalo't absent 'yung presensya niyo sa isa't isa," saad ni Alden.

"But I think, what really matters is if the love that you feel for each other is deep enough to sustain that kind of setup, I think magfo-flourish naman 'yun, e, of course, constant communication has to be there, kailangan maparamdam niyo sa isa't isa na 'yung distance na meron kayo sa relationship, will not matter no matter how far you are."

Nabago rin ng Hello, Love, Again ang tingin ni Alden sa pag-ibig at pakikipagrelasyon.

"Very much. Of course, tayo naman as individuals, we all have different understanding of love and relationships, pero ang tinuro sa akin ng Hello, Love, Goodbye and Hello, Love, Again na 'yung pagmamahal kasi is a choice," pagbabahagi ni Alden.

"You choose to be in love with that person. You choose to love that person over and over again, regardless of what's happening. I think siguro, isa sa mga key factors doon, kung gaano kalalim at kung gaano katotoo 'yung pagmamahal mo sa taong 'yun, 'yun 'yung lalabas at magfo-flourish sa inyong dalawa."

Panoorin ang buong panayam ni Alden DITO:

 

Sa direksyon ni Cathy Garcia-Sampana, mapapanood ang Hello, Love, Again sa mga sinehan sa buong bansa simula November 13.