Marian Rivera is thankful for the continuous success of 'Balota' | GMANetwork.com - Pictures - Articles

“Lubos na pasasalamat sa lahat ng sumuporta at nanonood, at manonood pa ng Balota,” ani ng Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera. 

Marian Rivera is thankful for the continuous success of 'Balota'

By DIANNE MARIANO

Patuloy na tinatangkilik sa takilya ang pelikulang Balota na pinagbibidahan ni Kapuso Primetime Queen Marian Rivera.

Sa “Balitanghali” report, personal na binati nina GMA Network Senior Vice President Atty. Annette Gozon-Valdes, GMA Entertainment Group Senior Vice President Lilybeth G. Rasonable, at GMA Vice President for Drama Cheryl Ching-Sy si Marian  dahil sa success ng nasabing pelikula. 

Thankful din ang award-winning actress sa lahat ng patuloy na sumusuporta sa Balota.

Aniya, “Lubos na pasasalamat sa lahat ng sumuporta at nanonood, at manonood pa ng Balota. Nako may pag-asa pa sila kasi alam ko magti-third week ang Balota.”

Patuloy na pinag-uusapan ang Balota at nadadagdagan ang mga sinehan na nagpapalabas nito dahil sa dami ng mga nakapanood, na nagpo-post ng mga magagandang reviews. 

Bukod sa mahusay na pagganap ni Marian bilang Teacher Emmy, humanga rin ang mga manonood sa galing ng Sparkle actor na si Will Ashley, na gumaganap na anak ni Emmy na si Enzo. 

“Personally sobrang natutuwa po ako and sobrang nakaka-proud na naging parte ako ng Balota. Sobrang naging worth it lahat ng pagod kasi na-appreciate ng mga tao,” pagbabahagi niya. 

Patuloy rin silang nakatatanggap ng good feedbacks at comments tungkol sa pelikula. 

“Siguro ‘yung sinasabi nila na ‘yung pelikula ay ang tapang para ihatid ‘yung mensahe na gusto naming ipahatid sa kanila. At ang maganda niyan, habang nanonood sila, may realization sila na, ‘ganito pala talaga.’ So parang dahil sa Balota na ito, parang pag-iisipan nila kung paano sila boboto nang tama at dapat,” anang Marian. 

 

Napapanood ang Balota in cinemas nationwide at may special ticket price para sa mga guro at estudyante sa selected cinemas.

 

SAMANTALA, BALIKAN ANG PREMIERE NIGHT NG BALOTA SA GALLERY NA ITO.