Marian Rivera, thankful sa mga nakapanood ng pelikulang 'Balota' | GMANetwork.com - Pictures - Articles

Labis ang pasasalamat ng Cinemalaya 2024 Best Actress na si Marian Rivera sa lahat ng nakapanood at sumuporta ng pelikula niyang ‘Balota.’

Marian Rivera, thankful sa mga nakapanood ng pelikulang 'Balota'

By DIANNE MARIANO

Beyond grateful ang Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera sa pagdagsa ng mga manonood sa sinehan para mapanood ang pelikula niyang Balota.

Sa “Chika Minute” report ni Aubrey Carampel para sa 24 Oras, natutuwa ang award-winning actress sa lahat ng sumuporta sa pinagbibidahan niyang pelikula.

“Nakakataba ng puso dahil ang daming Pilipino sumuporta sa pelikulang ito,” pagbabahagi niya. 

Bukod sa theatrical run ng Balota sa bansa, ipinalabas din ang pelikula sa 44th Hawaii International Film Festival. Overwhelmed ang celebrity mom sa suporta ng kanyang mga kaibigan at mga kapwa artista na nanood at sumuporta sa Balota. 

“Alam n’yo na kung sino kayo guys. Salamat, grabeng suporta na ibinibigay talaga sa Balota,” sabi niya.

Mayroon ding special rate para sa mga guro at estudyante sa mga piling sinehan para mapanood ang Balota.

Aniya, “Para sa kanila itong kuwento na ito. Inaalay natin sa lahat ng teachers talaga.”

Ipinanawagan din ni Marian sa publiko na matulungan ang mga kababayan nating naapektuhan ng bagyong Kristine. 

“May bagyo talaga ngayon at marami talagang nasalanta. Sana ay mag-ingat sila, tingnan natin kung ano pa ang pwede nating i-extend na tulong para sa mga kababayan natin," ani ng renowned star.

Panoorin ang buong report sa video sa ibaba. 

 

Napapanood ang Balota in cinemas nationwide. 

SAMANTALA, ALAMIN ANG IBA’T IBANG ACHIEVEMENTS NI MARIAN RIVERA SA GALLERY NA ITO: