Marian Rivera, masaya sa good feedback ng pelikulang 'Balota' | GMANetwork.com - Pictures - Articles

Kapuso Primetime Queen Marian Rivera sa ‘Balota’: “Isang adbokasiya talaga siya kaya pinu-push talaga namin na mas maraming makapanood kasi wake up call ito sa mga tao.”

Marian Rivera, masaya sa good feedback ng pelikulang 'Balota'

By DIANNE MARIANO

Sunod-sunod na dinaluhan ni Marian Rivera kamakailan ang ilang block screenings para kanyang pinagbibidahang pelikula na Balota, kung saan bumibida siya bilang Teacher Emmy.

Sa “Chika Minute” report ni Nelson Canlas para sa 24 Oras, natutuwa ang Kapuso Primetime Queen sa magagandang reviews ng nasabing pelikula at aniya’y isang “wake up call” ang Balota.

“Nakakataba ng puso, lalo na kapag nakikita mo ‘yung good reviews na sinasabi nila tungkol sa Balota. Ito talagang Balota, isang adbokasiya talaga siya kaya pinu-push talaga namin na mas maraming makapanood kasi wake up call ito sa mga tao, higit lalo sa mga kabataan na tamang-tama mag-eeleksyon na, malapit na,” pagbabahagi niya. 

Ayon pa sa award-winning actress, may special rate ang Balota para sa mga guro at estudyante. 

Aniya, “Dahil love na love sila ni Teacher Emmy, may special rate kami sa mga teachers and students para mas magaan sa bulsa nila ang panonood ng Balota.” 

Bukod dito, top grosser ang pelikulang Balota sa opening week nito. 

 

Panoorin ang buong report sa video na ito.

 

 

Samantala, inupload ng renowned star ang kanyang bagong dance video bilang pasasalamat sa good feedback ng Balota at kasalukuyang nasa 4 million views na ito sa TikTok.

 

@marianrivera Napasayaw tuloy si teacher dahil sa mga good feedback nyo sa Balota! Maraming salamat sa inyo ????????#MarianRivera #Balota ? original sound - Marian Rivera

 

Kasama ni Marian Rivera sa cast ng Balota sina Gardo Versoza, Will Ashley, Royce Cabrera, Raheel Bhyria, Sassa Gurl, Esnyr, Nico Antonio, Donna Cariaga, Joel Saracho, Sue Prado, at Mae Paner.

 

SAMANTALA, BALIKAN ANG NAGANAP NA PREMIERE NIGHT NG BALOTA SA GALLERY NA ITO.