Direk Kip Oebanda, bumilib kay Marian Rivera sa 'Balota'
August 01 2024
Malapit nang mapanood ang 2024 Cinemalaya entry na Balota, na co-produced ng GMA Pictures at GMA Entertainment Group with Cinemalaya.
Ang naturang pelikula ay mula sa direksyon ni Kip Oebanda, na siyang direktor ng 2018 Cinemalaya film na Liway, na pinagbidahan ng Kapuso star na si Glaiza De Castro.
Sa Balota, gagampanan ng Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera ang role bilang Emmy, ang gurong magliligtas sa ballot box na naglalaman ng huling kopya ng election results nang magkaroon ng kaguluhan sa kanilang lugar.
Sa panayam ng GMA Network.com kay Direk Kip, ikinuwento niya na nakita niya kay Marian ang mga katangian na hinahanap niya para sa role ni Teacher Emmy.
“During the pandemic, there was a video na shinoot ni Marian, where she referenced the classic film Himala. Doon nakita ko ‘yung depth niya, in terms of kung gaano kalalim ‘yung kaya niyang abutin sa drama. At the same time, the film requires action sequences. It requires stunts, it requires her to go up a tree, na nasa ilalim siya ng mga ugat ng puno, na nakikipaghabulan, nakikipagbarilan, and it requires physical strength to pull off the scenes na dala-dala ng teacher 'yung balota sa bundok,” pagbabahagi niya.
Dagdag niya, “So all those variables. I think she has emotional depth. I think she has the range for it. I think she has the physicality for it, which is very important in the film.”
Ayon pa kay Direk Kip, mayroong ikaapat na elemento na importante rin sa pelikula at ito ay ang pagiging ina. Kwento niya, noong una silang nagkausap ni Marian ay naramdaman niya agad ang maternal instinct nito.
“Grabe ‘yung pagmamahal niya sa pamilya niya. Number one niya ‘yon and ‘yun ‘yung character. So naramdaman ko na, the moment na ma-direct ko siya towards making the film about coming home to her family, it’s not gonna be a hard job. And I must say, she’s really pulling it off.
“I’ve never seen anything like this and I don't think siya rin mismo na-expect ‘yung pinuntahan niya rito. Kung gaano kalalim, gaano kabigat, gaano ka-intense, gaano ka-wild ‘yung mga pinaggagawa ng character ni Marian dito na pinull off niya,” kuwento pa niya.
Bumilib din si Direk Kip kay Marian dahil pinili nitong huwag gumamit ng stunt double sa kanyang mga eksena at hindi magpa-makeup.
Aniya, “Ang joke ko nga sa kanya, ‘Para kang si Tom Cruise ng Pilipinas. You do your own stunts kahit mahirap.’ Dumating sa point, nasa gubat kami, kailangan siyang dumihan. Siyempre may makeup kaming dumi. ‘Hindi na, ito ng putik’ Tapos pag-angat niya from the shot, puro dahon dahon ‘yung buhok niya at putik. Not a lot of actresses would be willing to do that. So I really respect that.”
Mapapanood ang Balota sa 2024 Cinemalaya Independent Film Festival ngayong Agosto.
SAMANTALA, SILIPIN ANG CAST NG BALOTA SA CINEMALAYA 2024 PRESS CONFERENCE.
Comments
comments powered by Disqus