Marian Rivera, may pasilip sa kanyang pagsabak sa matitinding eksena sa 'Balota'
August 01 2024
Malapit nang mapanood ang 2024 Cinemalaya entry na Balota, na-produced ng GMA Pictures at GMA Entertainment Group with Cinemalaya.
Sa “Chika Minute” report ni Lhar Santiago para sa 24 Oras, ipinakita ang pasilip ni Kapuso Primetime Queen Marian Rivera sa kanyang pagsabak sa matitinding eksena niya sa naturang pelikula.
Makikita sa video ang pag-upo ng Kapuso star sa talahiban habang hawak ang yellow ballot box pati ang pagsampa niya sa truck.
Pagbabahagi ni Marian sa kanyang interview, “Kahit sabihin nating i-ocular nila, linisin nila, ayusin nila, pero nag-eksena ka na, 'yung adrenaline mo sa pag-arte mo, parang di mo na iisipin kung 'ay masusugatan ako.' Kapag gano'n 'yung inisip mo, parang hindi maganda 'yung kalalabasan.”
Ayon pa sa report, si Marian din mismo ang tumanggi na magpa-double sa kanyang mga eksena at aniya'y na-miss niya ang kanyang mga fight scene.
Inspired din ang award-winning actress lalo na't labas sa kanyang comfort zone ang pagganap niya sa karakter ni Emmy.
“No filter talaga lahat e. Kapag sinabi kong no filter, itsura, lines, at mga ginagawa, lahat talaga raw,” aniya.
BIRTHDAY PLANS
Ipagdiriwang ni Marian ang kanyang 40th birthday ngayong Agosto, na sakto sa pagpapalabas ng Balota sa Cinemalaya. Ano kaya ang birthday plans ng Kapuso Primetime Queen?
“Thanksgiving and everything, sabay sabay na. Tutal August 11 'yun, birthday ko 12. So isahan na lang sigurong pasasalamat,” lahad niya.
Labis din ang pasasalamat ni Marian sa Panginoon para sa lahat ng biyaya na kanyang natatanggap.
“Thank you, Lord, sa lahat ng blessings talaga. Sobrang grateful talaga ako sa kung anumang nangyayari sa buhay ko at 40.
“Wala naman masama sa pagiging 40 tapos may dalawang anak pa ako,” aniya.
SILIPIN ANG CAST NG BALOTA SA CINEMALAYA 2024 PRESS CONFERENCE SA GALLERY NA ITO.
Comments
comments powered by Disqus