Marian Rivera expresses appreciation to 'Balota' director Kip Oebanda
July 30 2024
Isang appreciation post ang hatid ni Kapuso Primetime Queen Marian Rivera kay Kip Oebanda, ang direktor ng 2024 Cinemalaya entry na Balota, na co-produced ng GMA Pictures at GMA Entertainment Group with Cinemalaya.
Sa Facebook post ng renowned star, ibinahagi niya ang larawan kasama si Direk Kip at nagpasalamat sa tiwala nito sa kanya na bigyang-buhay ang role bilang Emmy.
“Forever grateful to Direk Kip for believing in me and allowing me the freedom to portray Teacher Emmy. Your direction and encouragement inspire me every day! Mahal kita Direk at palagi kong ipagpapasalamat na nakilala kita,” sulat niya.
Sa isang panayam, ibinahagi ni Marian na nais niya muling makatrabaho si Direk Kip.
“Gusto ko uli siyang makatrabaho. May separation anxiety kaming dalawa. Parang seven days lang kaming halos magkatrabaho pero sabi ko, 'Bakit gano'n? After matapos 'yung Balota, naiiyak ako.' Mami-miss ko 'tong Balota. Mami-miss ko lahat ng kasama ko rito,” aniya sa mga miyembro ng media na dumalo sa Cinemalaya 2024 press conference kamakailan.
Bukod kay Marian, kabilang din sa cast ng Balota sina Will Ashley, Royce Cabrera, Raheel Bhyria, Gardo Versoza, Mae Paner, Nico Antonio, Donna Cariaga, Joel Saracho, Sue Prado, Esnyr, at Sassa Gurl.
Mapapanood ang Balota sa 2024 Cinemalaya Independent Film Festival simula August 2 hanggang 11 sa Ayala Malls Manila Bay, U.P. Town Center, Greenbelt, Market! Market!, at Trinoma.
Samantala, panoorin ang bagong trailer ng Balota dito.
SILIPIN ANG CAST NG BALOTA SA NAGANAP NA CINEMALAYA 2024 PRESS CONFERENCE SA GALLERY NA ITO:
Comments
comments powered by Disqus