Sassa Gurl, itinuturing na blessing ang 2024 Cinemalaya entry na 'Balota' | GMANetwork.com - Pictures - Articles

Labis ang saya ng content creator na si Sassa Gurl sa kanyang experience sa 2024 Cinemalaya entry na 'Balota.'

Sassa Gurl, itinuturing na blessing ang 2024 Cinemalaya entry na 'Balota'

By DIANNE MARIANO

Kabilang ang social media star na si Sassa Gurl sa cast ng 2024 Cinemalaya entry na Balota, na co-produced ng GMA Pictures at GMA Entertainment Group with Cinemalaya. 

Sa panayam ng GMANetwork.com sa kilalang content creator, masaya siya sa kanyang experience na nakatrabaho ang mga batikang artista sa naturang pelikula. 

“Ang dami kong natutunan dito kasi siyempre I’m working with a lot of professionals. Talagang legit na legit ‘yung experience as a baguhang aktres. At saka, sobrang happy na naka-work ko ‘yung mga batikang [artista] talaga, sila Donna [Cariaga], Marian Rivera, talagang ang gagaling nila, talagang pinakitaan nila kami, pasabog sila. At saka ‘yung mga bago rin, mga up and coming, sila Will, Raheel, Esnyr, talagang pasabog sila,” kwento niya.

Dagdag pa niya, “Sobrang happy. One of the blessings na pumunta sa buhay ko this year ay ang pelikulang ito.”

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by gmanetwork (@gmanetwork)

 

Masaya rin si Sassa Gurl na nakatrabaho niya ngayong taon ang direktor ng Balota na si Kip Oebanda. 

Aniya, “Si Direk Kip, nakilala ko na siya before pa nitong film na ‘to and masasabi ko talagang kung sinuman ang dapat magkwento sa isa sa mga pelikula about sa eleksyon, siya ‘yung dapat kasi talagang experience niya at saka very political si Kip, very aware sa mga social issues and all, and talagang passion niya talagang ‘tong ginagawa niyang ‘to.

“And sobrang ally siya ng community namin, ng LGBTQIA+ community kaya ang bongga. Inalagaan niya ‘yung character ko, so sobrang happy na siya ‘yung isa sa mga naka-work ko this year.”

Bumilib din si Sassa Gurl sa husay ni Kapuso Primetime Queen Marian Rivera sa pag-arte. 

“Ang galing ni mama, talagang nahugot niya ‘yung mga bagong eksena niya kasi never kong nakita si Mama Marian Rivera na ganitong eksena at first time niyang nalabas ‘yung mga ganito. Sabi ko, ‘Kahit gaano ka pa kagaling, may mas igagaling ka pa talaga.’ Sobrang saludo sa kanya. I love her,” saad niya. 

Mapapanood ang Balota sa Cinemalaya Philippine Independent Film Festival simula August 2 hanggang 11.

Related gallery: The cast of ‘Balota’ grace Cinemalaya 2024 press conference