Alden Richards, bumalik muna sa Hong Kong bago nagtungo ng Canada para sa 'Hello, Love, Again' | GMANetwork.com - Pictures - Articles

Bago simulan ang taping ng 'Hello, Love, Again' sa Canada, bumalik muna si Alden sa Hong Kong kung saan nagsimula ang lahat kasama sina Joross Gamboa at Jeffrey Tam.

Alden Richards, bumalik muna sa Hong Kong bago nagtungo ng Canada para sa 'Hello, Love, Again'

By AARON BRENNT EUSEBIO

Binalikan muna ni Asia's Multimedia Star Alden Richards ang Hong Kong kung saan sila nag-shoot ng 2019 movie na Hello, Love, Goodbye bago tumungo sa Canada upang ipagpatuloy ang kuwento sa Hello, Love, Again.

Magkasama sina Alden, Joross Gamboa, at Jeffrey Tam na bumalik sa Hong Kong kung saan binalikan nila ang iconic places ng Hello, Love, Goodbye katulad ng rooftop kung saan itinayo ni Ethan (Alden) nag kanyang restobar.

 

Ayon kay Alden, hindi nawala sa kanya ang character ni Ethan kaya madali niya itong nahanap muli ngayong ipagpapatuloy na nila ang istorya sa Hello, Love, Again.

"Na-discover ko actually na the character of Ethan, hindi naman pala siya nawala sa akin, so ang dali ko lang siya nabalikan," saad ni Alden sa panayam ni Aubrey Carampel sa 24 Oras.

"Before we fly [to Canada], there will be a session with Direk Cathy [Garcia-Sampana] to put us in the mood again. That's how we have been working together during 'Hello, Love, Goodbye.' Ganun kami prinepare ni Direk Cathy. We're both very excited for this film."

Sa July na rin mapapanood sa GMA Prime ang pinagbibidahan ni Alden na Pulang Araw, ang gumaganap bilang Eduardo Dela Cruz.

 

"Nagulat ako sa outcome na nakulayan na siya, nalagyan ng audio, tapos na-edit nang maayos," saad ni Alden tungkol sa Pulang Araw.

"I'm very, very proud of this project that we have. One of my best projects so far with GMA."

Mapapanood sa mga sinehan ang Hello, Love, Again sa November 13, 2024. Habang iniintay 'yan, panoorin muna si Alden sa Pulang Araw na magsisimula na sa GMA Prime sa July 29.