'Firefly,' mapapanood sa mas maraming sinehan matapos manalo bilang MMFF Best Picture
December 28 2023
Matapos manalo ng Best Picture sa Gabi ng Parangal, nadagdagan ang listahan ng mga sinehan sa buong bansa kung saan mapapanood ang Firefly, ang entry ng GMA sa 49th Metro Manila Film Festival.
Simula ngayong araw, December 28, mapapanood na ang Firefly sa Ayala Malls Circuit, Ayala Malls Cloverleaf, Robinsons Metro East, SM Center Muntinlupa, SM City Sucat, at One Mall Valenzuela.
Sa labas ng Metro Manila, mapapanood na rin ito sa Ayala Malls Harbor Point sa Subic, Robinsons Ormoc at SM City Ormoc sa Leyte, Robinsons Valencia sa Bukidnon, SM City Urdaneta Central at SM City Rosales sa Pangasinan, SM City Mindpro sa Zamboanga, Teatro De Dapitan sa Zamboanga Del Norte, at Vista Mall Bataan.
Bukod sa Best Picture, nanalo rin ang Firefly ng Best Screenplay at Best Child Performer para sa bida nitong si Euwenn Mikaell.
Umiikot ang istorya ng Firefly kay Tonton (Euwenn Mikaell) at ang kanyang paglalakbay papunta sa mahiwagang isla ng mga alitaptap na kinukuwento noon ng kanyang inang si Elay (Alessandra).
Kasama rin sa Firefly sina Miguel Tanfelix, Ysabel Ortega, Cherry Pie Picache, Epy Quizon, at Yayo Aguila. May special participation din dito sina Max Collins at Kapuso Primetime King Dingdong Dantes.
Mapapanood pa rin ang Firefly sa lahat ng sinehan sa buong bansa bilang parte ng Metro Manila Film Festival.
Comments
comments powered by Disqus