EXCLUSIVE: Alden Richards, todo ang suporta sa premiere night ng 'Family History' | GMANetwork.com - Pictures - Articles

Alden Richards on Michael V.: “He’s always been an artist...naniniwala ako that this project is worth our while." Read more:

EXCLUSIVE: Alden Richards, todo ang suporta sa premiere night ng 'Family History'

By AEDRIANNE ACAR AND BIANCA GELI

Isa sa mga big names na dumalo sa grand ‘pink carpet’ premiere night ng pelikulang ‘Family History’ kagabi, July 23, sa SM Megamall cinema si Alden Richards.

 

Alden Richards
Alden Richards

 

Ang 'Family History' ay ang pelikula ni award-winning comedian Michael V. Bukod sa pag-arte na sa nasabing film, si Michael V. din ang nagsulat ng script, ang direktor, at producer.

Dumating si Alden sa event para ipakita ang suporta sa kapwa dabarkad na si Michael V. Matatandaan na dating parte ng Eat Bulaga si Michael V. habang patuloy namang napapanood si Alden sa noontime show.

Sa exclusive interview ng GMANetwork.com sa Kapuso primetime actor, sinabi nito na malaki ang ‘tiwala’ niya sa project na ito ng Kapuso ace comedian.

“I’m very happy na nakagawa si Kuya Bitoy [ng movie]. He’s always been an artist, I’ve known him for quite some time already, I’ve worked with him sa 'Bubble Gang' and naniniwala ako that this project is worth our while."

#BitoyStory: Michael V., hangad maging isang 'total entertainer'

CEB gives 'Family History' 'B' grade, lauds BiDawn for performance

Sa panayam naman kay Alden ng GMA showbiz reporter na si Nelson Canlas, kuwento nito na napabilib siya sa movie trailer ng ‘Family History’ kaya naman sinabi niya sa sarili na dapat mapanood niya ito sa premiere night.

“Nakita ko 'yung trailer sabi ko pupunta talaga ako to see the film, papanoorin ko ito.

“Nakaka-happy kasi si Kuya Bitoy, he directed it, most of the creative license is on him and I really believe in Kuya Bitoy because of his works sa 'Bubble Gang' and other projects. And this is something big for him so show support lang sa fellow Kapuso natin.”

‘Family History’ is Graded “B” by Cinema Evaluation Board and is now showing today, July 24!