EXCLUSIVE: Dingdong Dantes praises Michael V's directorial approach in 'Family History' | GMANetwork.com - Pictures - Articles

Sa ginanap na press conference matapos ang GMA contract renewal ni Dingdong Dantes ngayong araw, April 22, ibinahagi niyang nagagalak siyang makasama sa directorial debut ni Michael V sa pelikulang 'Family History.'

EXCLUSIVE: Dingdong Dantes praises Michael V's directorial approach in 'Family History'

By CARA EMMELINE GARCIA

Sa ginanap na press conference matapos ang GMA contract renewal ni Dingdong Dantes ngayong araw, April 22, ibinahagi niyang nagagalak siyang makasama sa directorial debut ni Michael V sa pelikulang Family History.

 

Dingdong Dantes
Dingdong Dantes

 

Aniya, “Ang saya! Mayroon akong cameo doon na dapat abangan.”

WATCH: Paolo Contis at Eugene Domingo, excited sa pagganap sa ‘Family History

Dagdag ni Dingdong, nakaka-enganyo raw ang approach ni Bitoy sa pagdidirek dahil kakaiba ang approach niya sa kaniyang mga trabaho.

“He has a different style and a different approach when it comes to interpreting the script - a script which he wrote also.

“It’s very interesting na ang fresh nung kanyang atake dahil hindi siya 'yung usual way of directing actors.

“Mayroon siyang sariling storyboard na very, very unique.”

Anang Kapuso Primetime King, “It’s more 'yung enthusiasm niya 'yung nakakadala dahil very involved siya sa proyektong ito at alam mong baby niya 'yung proyekto na ito.

“Kaya gagawin namin lahat para suportahan siya.”

Tulad ni Dingdong, magkakaroon din ng cameo role si comedienne Eugene Domingo sa pelikulang Family History.

WATCH: Michael V, writer at singer ng theme song ng ‘Family History’