EXCLUSIVE: Miguel Tanfelix all praises for comedy genius Michael V. | GMANetwork.com - Pictures - Articles

Miguel Tanfelix reveals why he and ‘Family History’ director-actor Michael V. click. Read here:

EXCLUSIVE: Miguel Tanfelix all praises for comedy genius Michael V.

By AEDRIANNE ACAR

Once in a lifetime opportunity para sa young Kapuso actor na si Miguel Tanfelix ang makatrabaho ang multi-awarded comedian Michael V sa Family History.

 

Miguel Tanfelix
Miguel Tanfelix

 

WATCH: Michael V, writer at singer ng theme song ng 'Family History'

Ang highly-anticipated family drama movie ay joint project ng GMA Pictures at Mic Test Entertainment, na itinayo ni Michael V kasama ang asawa niyang si Carol Bunagan.

Sa exclusive interview ng GMANetwork.com kay Miguel ngayong Huwebes, April 11, ibinahagi niya ang na-discover niya sa nag-iisang Kapuso comedy genius, na tumatayo din film director sa Family History.

Aniya, “Kasi before, I know na nagsusulat din siya ng mga script, kasama siya sa creative and very fun siya na tao.

“Pero ‘yung leadership ni Direk Bitoy kasi dito ko nakita. Siya ‘yung ang nagse-set ng mood every shooting day.”

Madali rin para sa Sahaya actor na makapalagayan ng loob si Michael V., dahil may common interest silang dalawa.

“Hindi po natatapos ‘yung usapan namin, maya’t maya kami nag-uusap kasi mayro’n din kami na parehas na hilig, which is gadgets. Marami siyang alam about gadgets kaya ako tanong nang tanong.”

Malaking bagay din ayon kay Miguel na ‘approachable’ ang kanilang direktor kaya sobrang gaan ng atmosphere tuwing taping.

“Si Direk Bitoy naman very open po siyang tao, mabait and approachable. Hindi po siya ‘yung maiilang ka lapitan.”

IN PHOTOS: A first look at the cast of 'Family History'