WATCH: Vic Sotto at Maine Mendoza, handog ang MMFF movie sa mga kapulisan | GMANetwork.com - Pictures - Articles

Kinumpirma na ni Bossing Vic Sotto ang kanyang Metro Manila Film Festival (MMFF) 2018 entry na 'Jack Em Popoy, The PulisCredibles' kasama si Phenomenal Star Maine Mendoza.

WATCH: Vic Sotto at Maine Mendoza, handog ang MMFF movie sa mga kapulisan

By BEA RODRIGUEZ

Kinumpirma na ni Bossing Vic Sotto ang kanyang Metro Manila Film Festival (MMFF) 2018 entry noong Sabado, July 28 sa story conference ng kanyang pagbibidahang pelikula, ang Jack Em Popoy, The PulisCredibles kasama si Phenomenal Star Maine Mendoza at ang King of Philippine Independent Films na si Coco Martin.

Ayon sa aktor, gagampanan nila ang papel ng mga pulis at nais nilang ipakita sa pelikula ang mga mabubuting aspekto ng ating kapulisan.

“Mga PulisCredibles kami. Kadalasan, nababalitaan natin [ang] ‘di maganda tungkol sa kapulisan, ‘di ba? Pero this time, gusto namin silang saluduhan at ipakita sa mga tao na kakampi natin itong mga pulis,” kuwento ni Bossing kay GMA showbiz news reporter Lhar Santiago sa Balitanghali.

Si Meng, aspiring police raw tulad ng kanyang tatay sa pelikula, “Very caring [ang karakter ko] so parang ako, lagi kong susubukan na gawin ‘yung best ko para maprotektahan ‘yung tatay ko.”

Kinumpleto ng new at veteran stars na sina Ronaldo Valdez, Cherry Pie Picache, Tirso Cruz III, Ryza Cenon, Ryzza Mae Dizon, Baeby Baste, Jose Manalo at Wally Bayola ang cast sa direksyon ni Direk Mike Tuviera.