WATCH: Glaiza de Castro, Bea Binene at Therese Malvar, bakit sumabak sa indie films? | GMANetwork.com - Pictures - Articles

Mas marami nang TV stars ngayon ang sumasabak sa larangan ng independent films. Bakit kaya?

WATCH: Glaiza de Castro, Bea Binene at Therese Malvar, bakit sumabak sa indie films?

By BEA RODRIGUEZ

Mas marami nang TV stars ngayon ang sumasabak sa larangan ng independent films.

 

Last day. ???? @thekhalilramos

A post shared by Glaiza De Castro (@glaizaredux) on

 

Bida sa Cinemalaya entry na Liway si Contessa leading lady Glaiza de Castro, “It’s not really a political film, but it’s a story about sacrifice, love, integrity, [and] perseverance.”

Mas malaya ang pakiramdam ng Kapuso star na gumawa ng indie projects, “Doing films na alam mong hindi mo magagawa sa TV.”

 

A post shared by Bea Binene (@beabinene) on

 

Ang makabuluhang tema naman ang nagtulak kay Kapag Nahati Ang Puso star Bea Binene na gawin ang Fading Paradise, “I produced our own indie film na ipapalabas. It’s an advocacy indie film about climate change. With indie film, you can explore more kasi, [and] you can go deeper than what you can show on TV.”

 

Naging daan naman para kay multi-awarded Kapuso actress Therese Malvar na makilala sa showbiz dahil sa indie films. Ngayong taon, bumida ang aktres sa dalawang Cinemalaya entries na Distance at School Service.

“Dati po, pinapangarap ko ‘yung Cinemalaya, and I auditioned for it. May grand auditions for it, and then now na, naka-cast na kami without auditioning. It is really flattering po talaga,” kuwento ni Therese na isa sa mga nagwagi ng Best Supporting Actress sa The Eddys 2018.

Video from GMA News