Alden Richards and Maine Mendoza's movie 'Imagine You and Me,' kilig "to the soul" daw?
July 12 2016
Nakapanayam ni Aubrey Carampel para sa 24 Oras sina Alden Richards at Maine Mendoza sa premiere night ng pelikula nilang Imagine You and Me.
Nagulat naman at ikinatuwa ng dalawa ang pagdagsa ng tao sa red carpet ngayong gabi. Ika ni Maine, "Almost napuno 'yung mall. Sobrang nakakatuwa, sobrang nakaka-overwhelm na makita silang inabangan kami. Simula kanina nandyan na sila, nakakatuwa. Thank you, thank you sa lahat."
Very thankful din si Alden sa suporta ng kanila fans. Aniya, "Sobrang sarap sa pakiramdam. I mean, sa tagal ko sa showbiz ngayon ko lang na-experience ito. So full of happiness and excitement right now. And ang laki ng pasasalamat namin sa lahat ng sumosuporta. Andyan pa rin sila hanggang ngayon.
Inimbita rin ni Maine ang lahat para manood ng Imagine You & Me: "Ito na nga, bukas na nga ang showing. Sugod na agad sa sinehan. Wag kayo magpapahuli, jusko!"
Kinonfirm din ni Alden na sobrang kaabang-abang talaga ang pelikula. Ika niya, "Worth it po, promise, hindi kayo magsisisi."
Aniya hindi lang daw "kilig to the bones," kilig "to the soul" pa raw ang pelikula!
Showing na ang Imagine You & Me bukas na bukas din!
More on Alden Richards and Maine Mendoza:
Alden Richards and Maine Mendoza hailed 'Most Beautiful' by local showbiz magazine
Comments
comments powered by Disqus