Alden Richards on the success of My Bebe Love: "As long as naibigay po namin 'yung hiningi ng mga manonood sa amin"
February 01 2016
By CHERRY SUN
Nakapanayam ng press ang tambalan nina Alden Richards at Maine Mendoza tungkol sa kanilang Metro Manila Film Festival (MMFF) entry na My Bebe Love na pumatok sa takilya.
Parehong nagpapasalamat sina Alden at Maine dahil sa mainit na pagtanggap sa kanilang unang pelikula bilang magka-love team.
Ani Maine, “Nagpapasalamat kami sa lahat ng nanood at sumuporta doon sa movie.”
Sinang-ayunan din ito ng Pambansang Bae. Pinaliwanag din niya, “Kami po, kesyo man po may lumabas na official na result, kesyo wala, as long as naibigay po namin ‘yung hiningi ng mga manonood sa amin through My Bebe Love, nagpapasalamat po kami in behalf of Bossing and Ms. Aiai na sa lahat po ng nanood at sumuporta sa pelikula, thank you po.”
Dagdag din ni Alden, “Kami naman po is not competing with anyone.”
Natanong din si Maine tungkol sa kanyang nakamit na Best Supporting Actress Award. Pabiro niyang ikinuwento kung paano niya binash ang kanyang sarili. Gayunpaman, pahayag niya, “Thankful naman ako kasi napansin ako. “
READ: “Bakit ako?” – Maine Mendoza on winning as MMFF Best Supporting Actress
Comments
comments powered by Disqus