Alden Richards, inspired at kinikilig sa 'My Bebe Love' | GMANetwork.com - Pictures - Articles

Anong level ng kilig nga ba ang dapat asahan ng AlDub Nation at mga manonood sa My Bebe Love?

Alden Richards, inspired at kinikilig sa 'My Bebe Love'

By CHERRY SUN

 

A photo posted by Alden Richards (@aldenrichards02) on

Ibang level ng romance at comedy ang maaasahan sa My Bebe Love dahil mismong si Alden Richards ay aminadong inspired at kinikilig sa kaniyang pagbibidahang Metro Manila Film Festival (MMFF) entry.

“Ito po ‘yung biggest Metro Manila Film Fest movie ko,” pahayag ng Pambansang Bae.

“This is a big chance for me. I’ve always dreamt po of being in a big film sa Metro Manila Film Fest, and an honor po na kasama ko po ‘yung mga magagaling na artista,” patuloy niya.

Ganado din si Alden dahil unang pelikula niya ito kasama ang kanyang onscreen partner na si Maine Mendoza.

Bahagi niya, “Syempre naman [inspired] po kasi first project din namin ‘to together and ‘yun nga po sabi ni Bossing na ang kinaiba po nito sa Kalye-serye is eto po we’re in character. Ako po si Dondi, siya po si Anna. So makikita po dito ‘yung talagang how do we deal with our projects in terms of acting po.”

Anong level ng kilig nga ba ang dapat asahan ng AlDub Nation at mga manonood sa My Bebe Love?

Sagot ng Kapuso actor-host, “Kasi po nung binasa po namin ‘yung script ako po personally kinikilig eh.”

“’Yung kilig niya simple lang eh. It’s not too complicated so makaka-relate po ‘yung mga kabataang manonood, mga young at heart, mga lolo at lola especially. Very light po ‘yung movie. Walang masyadong iisipin, mag-e-enjoy lang po sila,” paliwanag din niya.