Megan Young na-shock sa kissing scene ni Lauren sa 'Overtime'
July 09 2014
By ANN CHARMAINE AQUINO
PHOTO BY ELISA AQUINO, GMANetwork.com
Sa special screening ng pelikulang Overtime, present ang reigning Ms. World na si Megan Young para suportahan ang kanyang kapatid na si Lauren.
Ibinahagi ni Megan na nataon ang kanyang pag-uwi sa special screening ng Overtime, kaya masaya umano siya na masusuportahan niya si Lauren.
Ibinahagi ni Megan na nataon ang kanyang pag-uwi sa special screening ng Overtime, kaya masaya umano siya na masusuportahan niya si Lauren.
Pagkatapos niyang mapanood ang pelikula, nagbigay ng comment ang beauty queen patungkol sa pelikula at sa performance ni Lauren.
"Dark comedy siya. Sobrang hindi ko inexpect. As usual since baby sister ko si Lauren medyo hindi ko kinaya ang isang eksena doon. Hindi ko kinaya!" pahayag ni Megan.
Dagdag niya, "Medyo na-shock ako. Kasi ako never pa ako na ganoon ka-daring [na eksena]."
Ayon kay Megan, sinabi ni Lauren sa kanya na may kissing scene siya sa pelikula.
"It was done tastefully pero kapatid ko pa rin [si Lauren]. May kissing scene pala na ganoon," saad ni Megan.