"I'm merely an instrument" - Lauren Young on acting
July 03 2014
By ANN CHARMAINE AQUINO
PHOTO BY ELISA AQUINO, GMANetwork.com
Sa tagal na ng inilagi ni Lauren Young sa showbiz, nakasubok na siya ng iba’t-ibang klase ng mga projects. Saan kaya siya pinakakomportable?
Ibinahagi ni Lauren na mabilis lang ang kanilang naging shooting days sa pelikulang Overtime. Aniya, “It was like 12 to 15 shooting days. Mabilis lang. The crew, the director, the writer, everyone, the staff, are from independent films so they have to work fast. They know how to work fast na”.
Kuwento ni Lauren, ang pelikulang Overtime ang kanyang kauna-unahang mainstream film. Dati umano ay puro indie ang kanyang ginagawa pelikula.
“I'm used to working na kahit walang ilaw ilaw, shoot tayo daylight na lang. It wasn’t really a shocker for me. Actually mas sanay pa kong mag-indie kesa mainstream,” pahayag ng aktres.
Nakaranas na rin umano si Lauren na umarte na walang script. Pero kung siya ang masusunod, mas gusto niyang may script siyang susundan sa isang project.
“Ako kasi how I see myself as an actor I'm merely an instrument. Mas gusto ko na may sinusundan akong script. Sinusundan ko 'yung instructions ng director ko, because after all it's their vision. So I just want to be able to execute what they want,” pagtatapos ni Lauren.
Comments
comments powered by Disqus