Over ang takot? | GMANetwork.com - Pictures - Articles

Bakit natakot si Lauren Young kay Roi Vinzon sa pelikulang 'Overtime'?

Over ang takot?

By ANN CHARMAINE AQUINO 

PHOTO BY BOCHIC ESTRADA, GMANetwork.com
 
Kailan lang ay pumirma si Roi Vinzon ng kanyang exclusive contract sa GMA. Kabilang sa kanyang bagong proyekto bilang Kapuso ang pelikulang Overtime. Nakilala si Roi sa mundo ng action films, kaya’t masaya siya na makasama sa Overtime sina Richard Gutierrez at Lauren Young na nalilinya rin sa action and thriller movies.
 
Bagamat napapanood na ni Roi si Lauren, first time umano niya itong makatrabaho. Ipinahayag niya sa interview ng GMANetwork.com ang kanyang paghanga sa aktres. Ayon kay Roi, “First time ko makasama [si Lauren Young] and magka-eksena kami. Attentive siya. Siyempre ako, compared sa kanila parang ang tagal ko na [sa industriya] for her.”
 
“Ano siya e, attentive. Saka kaunting ano lang, alam niya na [ang gagawin]. Mabilis yung grasp niya,” dagdag niya.
 
Dahil nga attentive si Lauren at matagal na si Roi sa showbiz, ‘di napigilan ng aktor na magpahayag ng kanyang biro tungkol sa kanyang mga co-stars. “Sobra silang gagaling sa akin,” natatawang pahayag ni Roi.
 
Ibinahagi rin ni Roi na noong nag-shoot sila ng Overtime, nakaramdam umano ng takot si Lauren sa kanya. Ngunit ang takot umanong ito ang tumulong sa kanya para mailabas ang tunay na emotions sa eksena.
 
“Natakot ng kaunti siguro, pero hindi e. Alam niya kasi there was a time na hindi ko talaga siya dapat ganunin [sa eksena] pero ang feeling ko dapat ganunin ko siya. Medyo natuwa lang siguro siya, kasi nagkakaroon siya ng expression,” pagtatapos ni Roi.
 
Abangan si Roi Vinzon sa kanyang pagganap bilang Mr. Alonzo sa Overtime on July 2.