Renz Valerio on Richard Gutierrez: “'Pag work, work!”
May 28 2014
Isa si Renz Valerio sa mga young Kapuso actors na sunod-sunod ang blessings na natatanggap this year. Nariyan ang kanyang bagong Primetime series na Niño. Kasunod nito ay ang kanyang nalalapit na pagganap sa karakter na Brian Amistoso sa bagong handog ng GMA Films na Overtime. Kamusta kaya ang kanyang naging working experience kasama ang aktor na si Richard Gutierrez?
Para sa pelikulang Overtime, makikita ang galing ng batang aktor na si Renz. Isa sa kanya umanong naging inspirasyon, ay ang kanyang Overtime co-star na si Richard Gutierrez.
Kuwento ni Renz, hindi ito ang unang beses na nagkasama sila sa isang show. Ngunit ito ang kauna-unahang pagkakataon na magkakaroon sila ng eksena na magkasama.
Ibinahagi ni Renz ang kanyang naging experience kasama ang kanyang Kuya Richard.
“He's very professional po. Talagang 'pag work, work. Pero hindi naman [siya] sobrang serious na parang dead serious talaga”.
Dagdag ni Renz, masaya umanong kasama si Richard sa set dahil sa bukod sa pagiging professional nito sa larangan ng pag-arte, mayroon rin ito umanong funny side.
Aniya, “mayroon namang parang joke joke lalo na kapag kasama si Direk (Wincy Ong). So ayun po, para sa akin po si Kuya Richard Gutierrez dati ay si Kuya Richard Gutierrez pa rin ngayon, professional yet very fun na kasama”.
Abangan ang si Renz Valerio sa kanyang pagganap bilang Brian sa Overtime. Para sa updates mula kay Renz Valerio at iba pang Kapuso artists, patuloy na mag-log on sa www.gmanetwork.com.
-Text by Maine Aquino, Photo by Bochic Estrada, GMANetwork.com
Comments
comments powered by Disqus