My Lady Boss' Premiere Night, pinagkaguluhan!
July 02 2013
Isang oras bago ang premiere night ng My Lady Boss, napakarami nang nag-aabang na makita sa red carpet ang Kapuso stars na sina Richard Gutierrez at Marian Rivera. Pagdating ng lead stars ay naghiyawan ang mga fans and supporters ng dalawa. Lahat ay excited sa pangalawang movie team up nina Richard and Marian.
Ginanap ang My Lady Boss premiere night sa Cinema 10 ng SM Megamall. Dumalo din ang iba pang naggagalingang artista ng pelikula na sina Rocco Nacino, Dion Igncaio, Ruru Madrid, Jace Flores at Chloe McCulley.
Bago pa man magsimula, pinasalamatan nina Richard at Marian ang kanilang pamilya, mga kaibigan at fans na dumalo sa premiere night. Hinikayat din nila ang lahat na i-enjoy ang pelikula.
Sa unang eksena pa lamang nila Zach (Richard Gutierrez) at Evelyn (Marian Rivera), marami na ang kinilig. Kitang kita ang chemistry ng dalawa sa office romance flick.
Sa pelikula, isang mataray pero hardworking na Brand Manager si Evelyn. Breadwinner siya ng pamilya niya, kaya todo kayod siya. May boyfriend siya of almost 6 years, si Timothy (Tom Rodriguez). May dalawa siyang kapatid, si Eugene (Dion Ignacio) at Elvin (Ruru Madrid). Mas matanda si Eugene kaysa sa kanya, pero dahil walang trabaho at nag-asawa agad, sa kanya pa rin ito umaasa. Si Elvin naman, may pagkapilyo at malapit nang ma-kick out sa school, pero mapagmahal naman sa pamilya. > > Si Zach naman ay galing sa mayamang pamilya. Dati siyang may-ari ng ilang businesses, pero hindi siya naging successful. Muntik pa nga siyang makulong sa latest business venture niya kung hindi lang sinalo ng lolo niya ang payment ng kanyang bouncing checks. Nagkaroon sila ng deal na dapat magtrabaho si Zach for at least a year, para ituloy ng kanyang lolo ang pagbabayad sa mga utang ni Zach.
Nag-apply si Zach sa kumpanya nina Evelyn. Bagama’t natanggap siya, panay away sila ng kanyang terror lady boss. Maski ang team members ni Evelyn, na ginagampanan nina Matet de Leon, Petra Mahalimuyak, Sef Cadayona at Jace Flores ay takot na takot sa kanya.
Si Henry (Rocco Nacino) naman, na isa pang Brand Manager, ay inggit na inggit kay Evelyn at sobrang competitive. Gusto niyang madissolve ang team ni Evelyn.
Paano kaya magkakadevelopan sina Zach at Evelyn? Can love work if Zach falls for his lady boss? Alamin ang kasagutan sa mga tanong na ito. Huwag palampasin ang My Lady Boss, showing na sa July 3 in theaters nationwide. --Text by Samantha Portillo, Photo by Bochic Estrada, GMANetwork.com