Premiere night ng ‘Si Agimat, Si Enteng Kabisote at Si Ako’ suportado ng mga Kapuso!
December 21 2012
Kagabi, December 20, idinaos ang premiere night ng Si Agimat, Si Enteng Kabisote, at Si Ako sa cinemas 9 and 10 ng isa sa mga pinaka malaking mall sa Mandaluyong City. Present ang mga lead stars nito na sina Senator Bong Revilla Jr., Judy Ann Santos at Vic Sotto sa naturang event kasama na rin ang kani- kanilang pamilya at mga kaibigan. - Text by Loretta G. Ramirez
Isa sa mga entries ng Metro Manila Film Festival ngayong 2012 ang Si Agimat, Si Enteng Kabisote, at Si Ako. Sa kanilang premiere night, dinumog ng mga fans at mga kaibigan ng cast ang dalawang cinemas kung saan ito ipinalabas for the first time.
Pinangunahan nina Sen. Bong Revilla Jr., Judy Ann Santos at Vic Sotto ang cast sa pagpapasalamat sa mga dumalo sa kanilang premiere kabilang na dito ang maybahay ni Sen. Bong na si Congresswoman Lani Mercado-Revilla at ang asawa ni Judy Ann na si Ryan Agoncillo. Naroon din naman ang mga kapatid ni Bossing Vic na sina Sen. Tito at Val Sotto para sumuporta sa pelikula.
Syempre hindi mawawala sina Sam Pinto, Gwen Zamora, John Sweet Lapus (with Eugene Domingo), Oyo Boy Sotto (with Kristine Hermosa) at ang mga Dabarkads na sina Jose Manalo, Wally Bayola at Ryzza Mae Dizon na pawang mga kasama sa pelikula.
Dumalo din ang malapit na kaibigan ni Sen. Bong na si Philip Salvador sa naturang event at ang mga executives ng GMA Films na sina Joey Abacan at Annette Gozon-Abrogar.
Pero ang nagpataba talaga sa puso ng tatlong bida ay ang presence at support ng kani-kanilang mga fans sa kanilang premiere night. Parehong puno ang cinemas 9 and 10 at marami pang fans ang hindi na nakapasok dahil wala ng available tickets. Despite this nag-abang pa rin sila sa paglabas ng kanilang mga idolo pagkatapos ng pelikula para i-congratulate ang mga ito.
"Nakakatuwa at nagpapasalamat kami sa lahat ng pumunta dito," ang pahayag ni Sen. Bong.
Ayon naman kay Bossing Vic, “Excited kami na makita ang mga reaction ng mga tao sa movie…Pangunahin na gusto naming mangyari ni Sen. Bong at Juday na kahit once a year gumawa ng pelikula hindi lang pag December but all throughout the year. So we are proud na kahit papano we are part of the Metro Manila Film Festival na sana po ay parati nating tatangkilikin dahil magaganda ang mga pelikula.”
Si Juday naman na halatang masaya sa turn-out ng premiere ay nagsabi na "Happy ako na napabilang ako sa kanila ngayon...Confident kami na mapapasaya namin ang mga tao."
"Suportahan po natin ang lahat ng kalahok dito sa Metro Manila Film Festival dahil lahat yan ay siguradong magaganda, salamat po at Merry Christmas!" Ang pagtatapos na pahayag ni Sen. Bong Revilla.
Mapapanood ang Si Agimat, Si Enteng Kabisote at Si Ako ngayong December 25, sa mga sinehan nationwide.
Comments
comments powered by Disqus