Filtered By: Topstories
News

77-anyos na lola, natagpuang patay sa gilid ng ilog sa gitna ng pag-ulan


Bangkay na nang matagpuan ang isang 77-anyos na lola na posibleng naaksidente nang madulas sa ilog at tinangay ng tubig sa kasagsagan ng ulan sa Bayog, Zamboanga del Sur.

Sa ulat ni James Agustin sa Unang Balita nitong Biyernes, kinilala ang biktima na si Trinidad Manubag ng Barangay Damit.

Sinabi ng anak ng biktima na umalis ng bahay ang ina matapos mabalitaang malakas ang ulan sa bundok.

Kadalasang inaabot ng baha ang bahay ng biktima kaya pupunta sana siya sa bahay ng anak para pansamantalang makituloy.

Natagpuan ang biktima noong Miyerkoles.—Jamil Santos/AOL, GMA Integrated News