Filtered by: Topstories
News

Mahigit P200,000 halaga ng undocumented coco lumber, nasabat ng PCG sa Leyte


Nasabat ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard ang mahigit P200,000 halaga ng mga undocumented coco lumber na karga ng isang truck sa Port of Hilongos sa probinsya ng Leyte.

Sa ulat ni Sam Neilsen sa Super Radyo dzBB nitong Linggo, sinabing naharang ang tangkang pagpuslit ng mga coco lumber habang na impeksyon ng Coast Guard K9 Team ang mga sasakyan sa naturang pantalan.

 

 

Sa isinagawang imbestigasyon, napag-alaman ng PCG na dineklarang empty bottles ang karga ng truck.

Walang maipakitang dokumento ang pahinante ng truck ukol sa nasabing coco lumber na nagkakahalaga ng 206,400.

Kinumpiska at inihatid ito ng PCG sa Philippine Coconut Authority (PCA).

Mahaharap naman sa kaukulang kaso ang responsable sa tangkang pagpuslit ng mga nasabing coco lumber. — Mel Matthew Doctor/BM, GMA Integrated News