Filtered by: Topstories
News

Pambubugbog sa lalaki sa Iloilo, nahuli-cam


Nakuhanan ng camera ang pambubugbog sa isang lalaki sa plaza ng Janiuay, Iloilo, ayon sa ulat ng Unang Balita nitong Martes.

Batay sa impormasyon mula sa GMA Regional TV One Western Visayas, pinagtulungan ng tatlong lalaki, kabilang ang isang menor de edad, ang biktimang si Joshua.

Natigil lamang ang gulo nang dumating ang mga pulis.

Ayon sa biktima, nakaupo siya sa isang bangko nang lapitan at pagsusuntukin ng mga suspek.

Base sa imbestigasyon, dati nang may alitan ang mga sangkot at napagtripan ng mga suspek ang biktima.

Sinampahan na ng kaso ang dalawa sa mga suspek habang ang menor de edad ay dinala sa Department of Social Welfare and Development.—AOL, GMA News


 

More Videos
LOADING CONTENT